Rules

1109 Words
Trisha Pagkatapos ng mahigit 3 oras na biyahe sa lupa gamit ang van ay lumipat sila ng barko. Mahigit isang oras naman silang bumiyahe sakay ng barko. Pagkababa ng barko ay 2 na oras pa ang ginugol nila para makarating sa baryo na pamamalagian nila. Ang unang 1 oras at kalahati ay sumakay sila ng jeep pagkatapos ay tricycle naman ang huling 30 minuto. Nakakapagod ang palipat-lipat na sakay.  Patang-pata ang katawan niya dahil sa mahabang oras ng biyahe at dahil na rin sa malubak na kalsadang binagtas nila patungo sa bahay ng aguela.  Akala niya nga nabutas na ang bumbunan niya dahil sa pagkakauntog sa bubong ng tricycle ng malubak ito. Sinalubong sila ng Lola Tilde nila at nang 2 kasambahay nito na pawang mga malalayong kamag-anak nila. "Ang ganda-ganda mo Trisha!"masayang bati sa kanya ni Manang Rema. Tinangka nitong yumakap ngunit umiwas siya. Wala siyang panahon sa intimacy. Nagmano siya sa Lola nila bago nagpatiuna nang pumasok sa loob ng malaking bahay na gawa sa semento at kahoy. Naririnig niya sa likuran niya ang usapan at tawanan ng mga matatanda dahil sa mga kwento ni Kevin. At nagagalit siya dahil doon. Walang karapatan si Kevin na maging masaya. Kumuyom ang kamao niya. Nasusuklam siya sa lahat ng mga taong natutuwa at magiliw dito. Tumungo siya sa silid na inookupa niya sa tuwing nagbabakasyon o mas tamang sabihin kapag ipinapatapon sila dito. 4 na sunud-sunod na taon na iyon. At kung ang layunin ng mommy nila ay magkakasundo sila ni Kevin kapag nagkasama sa lugar na ito ay nagkakamali ito. Walang puwang sa puso niya si Kevin. She despises him.  *** Maganda ang panaginip niya. Nasa loob daw siya ng hardin na napakadaming pulang rosas at iba't ibang kulay nang mga santan. Matingkad din ang sikat ng araw ngunit hindi masakit sa balat.  Nananakbo siya habang umaalingawngaw sa paligid ang tunog ng tawa ng dad niya. Bitbit ang ilang kumpol ng rosas sa pinagsalikop na mga kamay ay lumapit siya sa ama. Binuhat siya nito at umikut-ikot silang dalawa. Tumatawa pa silang bumagsak sa damuhan. "Trish,wake up." Naalimpungatan siya ng may tumamang mabango at mainit na hininga sa kanyang leeg. Napabalikwas siya ng bangon ng mapansing walang ilaw sa paligid at nasa hindi siya pamilyar na silid. Mapusyaw na sinag ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng silid. Sumiksik siya sa dulo ng kama at mahuhulog sana kundi siya maagap na nahatak ng taong gumising sa kanya. Napasubsob siya sa matigas nitong dibdib dahil sa ginawa nito. Nagtangka siyang pumiglas ngunit mariin siya nitong niyakap. "Ako 'to Trish."pakilala ng tinig. Natigilan siya ng rumihistro sa isip ang boses ni Kevin. Kaagad umakyat sa ulo niya ang dugo ng mapagsino ito. "Pakawalan mo ako."mariing utos niya na kaagad namang sinunod nito. Umahon ito sa kama at binuhay ang chargeable lamp sa may gilid ng kama niya dahilan para masilaw siya. Lintik talaga! "Pinapagising ka na ni Lola. Kanina pa sila kumain ng hapunan. Naisip nilang pagod ka sa biyahe kaya hinayaan ka munang matulog pero Trish masamang matulog ng hindi naghahapunan." "Wala akong gana." "Kakain ka. Hindi ako nag-abalang maghintay sa iyo para pareho tayong matulog na walang laman ang tiyan." Galit na sinimangutan niya ang kapatid. Hindi niya kasalanan kung hindi ito kumain. "Hala tayo ka na diyan o gusto mo pa bang buhatin kita?"pananakot nito. Hindi niya maintindihan si Kevin kung bakit kumikilos ito ng ganito. Iyong mapagmando at sobra kung makalapit sa kanya. "Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa iyo?"singhal niya dito upang ipaalala kung sino sa kanila ang mas matanda. "Nang 1 taon."susog nito.  Nag-igtingan ang bagang niya sa narinig ngunit mas piniling manahimik kaysa umimik. Masakit kapag may nasasaling na sugat ng nakaraan. Padabog siyang umalis sa kama. Itinulak niya palabas ng silid niya si Kevin. "Wait Trish.."pigil nito sa kanya. Hinawakan nito ang magkabila niyang pulsuhan ng tig-isa nitong kamay at iniangat sa ere.  Aaminin niyang mas malakas na ngayon sa kanya si Kevin at mas matangkad pero hindi siya nito masisindak. "Bitaw!"mariing utos niya.  "Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabing kakain tayo sa baba."seryosong pahayag nito. At natakot siya sa matiim nitong tingin sa kanya. Hindi ito ang nakasanayan niyang Kevin. "Okay let's eat."pagbibigay niya. Marahan siyang pinakawalan ni Kevin. *** Bumaba siya ng silid niya na tirik na ang araw. Alam niyang wala siyang gagawin kundi ang tumitig sa malawak na kabukiran na walang hanggan kaya pinili niyang magbabad sa maliit niyang silid. Narinig niyang may kausap si Kevin sa terrace. Nangunot ang noo niya nang maalala ang ginawa sa kanya kagabi ng kapatid. Pinilit siya nitong kumain ng hapunan kahit alas diyes na ng gabi. Inihatid din siya nito sa silid niya na ikinainis niya. Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Hinainan siya ng pandesal ni Manang Lisa. Kakakagat niya pa lamang sa una niyang tinapay ng makarinig ng papalapit na mga yabag at malalakas na tinig ng mga ito. "Sa wakas gising na din ang mahal na prinsesa!"patuyang sabi sa kanya ng may nakakatawang malaking pusod sa ulo. May makapal itong make up na hindi angkop sa maluwag nitong pananamit. "Oh hindi ko alam na nandito ka." maarteng sabi niya. Second cousin nila ni Kevin ang babae since anak ito ng pinsan ng mommy nila. Nag-iisang anak lang ang mommy nila ngunit madami itong pinsan na pawang dito sa probinsya nakatira. Patuya itong tumawa bago nagsalita. "Masyado ka kasing tanghali gumising cousin!" Mas pinili niyang huwag umimik na ikinainis nito. Mainit na ang dugo nito sa kanya unang kita pa lang nila noong unang bakasyon nila ni Kevin dito. Mutual lang ang nararamdaman nila sa isa't isa. "Since you are awake ipagpapaalam ko lang si Kevin. Sasamahan niya ako sa Bayan." Umangat ang kilay niya. As if she cares. Nilampasan niya ito ng tingin at sinulyapan niya si Kevin na nakatayo sa likuran nito. Nabasa niya sa mukha nitong naghahamon ito na pumayag siya. "Sinong kasama ninyo?"tanong niya. "Kami lang."masayang sagot ni Vanna. "Magcocommute kayo?" "Of course not, may tricycle sina Lola Tilde at si Kevin ang magdadrive." Sa narinig ay napatayo siya. Hindi pwedeng magdrive si Kevin ng ito lang unless kasama siya. Iyon ang mahigpit na bilin ng mommy nila. Nilampasan niya si Vanna at hinarap si Kevin. "Give me 20 minutes, liligo lang ako."paalam niya. Isang ngisi ang isinagot ni Kevin na ikinairita niya. "What? Hindi ka kasama Trisha!"gigil na sabi ni Vanna. Nakahalukipkip na hinarap niya ito. "Kung hindi ako kasama, sorry wala ding Kevin na kasama." "But-" "That's the rule cousin. And I don't make those rule."pamalditang sabi niya bago tinalikuran ang nakakayamot niyang pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD