Chapter 15

1725 Words
After four years ay heto ay nandito na ako sa Pilipinas bonus pa na kasama ko ang kambal at mga kaibigan ko. Thank you Lord for our safe travel. Paglabas namin sa eroplano ay hawak ko sa magkabilang kamay ko ang mga anak ko. Nauna sa amin si Lance dahil siya ang kukuha ng mga baggagje namin. " babies welcome to Philippines!" sabi ni Bea sa mga bata sabay dipa sa mga braso niya. Pagkakuha ni Lance sa mga gamit namin ay lumabas na kami at naghihintay na daw ang sasakyan namin sabi ni Lance. May kaibigan daw siya na magsusundo sa amin at siya nalang daw ang maghahatid sa amin sa Batangas at taga doon daw siya. "Nanay it's hot here." reklamo ni Jacob nairita kaagad ang anak ko sa weather. "You will get used to it baby." sabi ko sa kanya. Bumaba ang driver ng Montero at inuluwa nito ang isang lalaki na matikas ang tindig. Tinulungan niya si Lance na magpasok sa sasakyan ng mga baggage namin. Pagbaling ko kay Bea ay napatulala ito at napansin ng aking anak na si Josh. "Titaninang what's wrong why you look horified?" at niyugyog pa niya ang kamay ni Bea. "h-huh" gulat na sabi ni Bea sabay tingin noya kay Josh. "titaninang you looked tensed" "no, no.I'm not." sabi niya sabay hila kay Josh at nauna na silang pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod narin kami sa kanila at tinanong ko siya kung bakit natataranta siya. "anong nangyari sa'yo friend? para kang nakakita ng multo?" "wala I feel tired lang kaya nauna na kami ni Josh." sabi ni Bea. "ok." sabi ko at natahimik din kami dahil pumasok na si Lance at ang kasama niya. "bro, my friend Bea, Aileen and her children Jacob and Josh. "William, nice meeting you Aileen" nauna siyang tumingin sa akin sa rear view mirror kaysa kay Bea at nginitian pa ako at ngumiti din ako sa kanya. "hi! guys I'm tito William, nice meeting you." "hello tito William nice meeting you too!" sabay na sabi ng dalawang bata. "I'm Bea" nauna ng nagpakilala si Bea sa kanya at nagkatinginan pa sila sa rearview mirror buti nalang at nakastop ang sasakyan dahil natigilan din si William at ngumiti din siya kay Bea at pinakilala ang sarili pero feeling ko may something sa dalawa. At patingin tingin si William kay Bea habang nagmamaneho siya. Mga ilang oras ay nakarating kami sa bahay na pinatayo ko sa tulong ng mga kakilala ni Lance. Buti nalang hindi kami natrafik, talagang alam ni William ang mga shortcut para daw makaiwas sa traffic. Pagdating namin sa bagong bahay ay binuhat ni Lance and William ang mga anak ko. "They are so adorable" sabi ni William. Nauna na siya sa amin dahil siya ang nakakaalam ng pasikot sikot dito sa bahay. Siya ang nagdesign sa bahay na pinagawa ko and sila din ang naglagay na ng mga kagamitan talagang ang kulang nalang dito ay ang titira. At kami na nga yun. Deretso si William sa kwarto ng kambal. They have separate bedroom from me. Dahil gusto nila ng may sarili na daw silang bedroom dahil bigboys na daw sila eh kung tutuusin they are still a baby. Kakathree years old palang nila. "wow ang ganda naman ng room nila." naappreciate kong sabi kay William. The bed is so cute, they have separate bed and it was customized. They made the exact picture that I sent to him. Ang design ng bed ay isang kotse at magkaiba ng kulay at may painting sa wall na Disney Cars. Ang kulay ng bed ni Jacob ay red and kay Josh ay blue. It was realy perfect, and if they are awake for sure they will love it. Inilapag nila ang mga anak ko sa kanya kanyang higaan. Lumabas na kami pagkatapos nilang mailapag ang mga bata. Humingi din ako ng tulong kay William na bigyan ako ng isang yaya for the meantime para sa dalawang bata at ngayon ay kasama din namin. Siya ang sumalubong kanina sa amin at siya din ang nagbukas ng gate. "hi! May pakibantay muna ang mga bata habang tulog sila. thank you." "ok po mam" sabi niya sa akin. Mas matanda ako ng apat na taon sa kanya. Nagpaiwan si Bea sa sala kanina at hindi na siya sumama sa amin paakyat papunta sa kwarto ng mga bata. Pagdating namin sa sala ay naabutan kong may kausap si Bea at ipinakilala niya sa akin. Kapatid pala ni William at siya daw si Claire. "Hi! I'm Ailee, nice meeting you." sabi ko sa kanya. "Kumusta ang biyahe for sure napagod kayo." sabi niya sa amin. "it's quite tiring pero happy dahil safe kami nakarating." "yeah that's right, dito ka titira Bea ayaw mo ba sa bahay so we can catch up?" tanong naman ni Claire kay Bea. "ahmmm, tignan ko muna." sabi ni Bea. "ang tagal natin hindi nagkita I miss you kaya friend." saad pa ni Claire. "namiss din kita friend" sabi ni Bea at nagyakapan na sila. Nagkaiyakan pa ang dalawa dahil matagal din sila nagkahiwalay. "Hindi mo nabanggit na may kakilala ka dito Bea?" tanong ni Lance sa kanya. "eh hindi ka naman nagtatanong noh" "grabe ang liit talaga ng mundo. ang dami natin connect sa isa't isa."sabi ulit ni Lance. "nagpahanda pala ako ng mga pagkain, or gusto nyo bang magpahinga muna? I will show you the master's bedroom" sabi ni William sa akin. "Ok, tour us around muna para mafamiliarize ko ang bahay. Thanks talaga William sa mga nagawa mo dito sa bahay. I really love the design and every detail of the house is really good. I'm really thankful talaga at nirecommend ka sa akin ni Lance." "No problem basta sa kaibigan ng kaibigan ko walang problema at isa pa good payer ka naman." sabay tawa naming lahat. Isa-isa niyang pinakita ang mga rooms bale apat na rooms sa taas isa ang master's bedroom, isa sa mga bata na mas malaki sa master's bedroom dahil dalawa ang may-ari at pag lumaki na sila ay pwede narin hatiin sa dalawa, kung gusto na nila magkaroon ng privacy ang isa't-isa. Ang master's bedroom is so nice din at very clean ang pagkakagawa. Very minimal lang and design at queen size ang bed na pinalagay ko. Sakto sa taste ko ang ginawa talaga nila. And the other two rooms ay mga guest room. Minimalist design din ang ginawa. Ang buong design ng bahay ay minimalist kaya ang gandang tignan, maaliwalas sa mata. "I like the design of your house" sabi sa akin ni Bea. "Magpagawa kana rin" tudyo ko sa kanya. "tsaka na kapag ready na ako" sagot naman niya sa akin. Ang kitchen at dining area ay maluwang din. at lahat ng mga gamit ay nakatago. Meron din dirty kitchen sa labas at maluwang ito, sa may bandang likod pa ay may mga puno pa ng rambutan at may isang kubo pa na nilagay. "Grabe bilid ako sa galing nyong gumawa ng bahay." "anong silbi ng real estate namin kung hindi maganda ang outcome ng gustong ipagawa ng customers namin." "yeah that's for sure kaya madami siguro ang client ninyo." "hindi ko masasagot yan dahil hindi naman ako laging nasa office." "naku yan si kuya ay taong bukid yan at dito lang ang laging punta." sagot ni Claire. "awww, you have bukid?" "anong bukid hacienda kamo!" sabad naman ni Lance. Si Bea naman ay naging tahimik nalang. Napagdesisyonan namin na kumain muna bago magpahinga at aalis na din daw ang dalawang magkapatid. Habang kumakain kami ay patingin tingin naman si William kay Bea. Marahil ay nakapagmove on na si Bea sa kanyang ex husband, sana lang ay ok na talaga siya dahil ang kwento niya sa akin noon ay matindi ang pinagdaanan niya bago siya nagpasyang umalis ng Pilipinas. "So paano aalis na kami, if you need anything just ring me pare or ikaw Aileen." "sige pare salamat." "ok William thanks alot." "it's my pleasure, we have to go." " bye guys."paalam naman ni Claire. Naghiwahiwalay na kami at magpapahinga narin, pero bago ako pumasok sa aking kwarto ay pinunthan ko muna ang mga bata. I checked if they are sleeping comfortably. At tama nga ang hinala ko. tulog na tulog pa ang dalawa. "May kung magising sila wag kang mahiya na gisingin ako ah. alam mo naman na siguro ang kwarto ko." "opo mam alam ko po." "ate nalang ang itawag mo sa akin. next time nalang tayo mag-usap at magpapahinga muna ako grabe ang pagod ko sa biyahe." "ok po a -ate" nauutal pang sabi ni May. Nagtungo na ako sa aking kwarto para magpahinga, tsaka ko na iisipin ang mga taong kinalimutan ko sandali sa aking buhay.Dahil lahat ng aking mga kaibigan dito sa Pilipinas ay pinutol ko lahat ng aking mga contacts sa kanila. Hindi nila alam na nabuntis ako at nanganak. Inilihim ko kahit sa aking lola pero paminsan minsan ay tinatawagan ko naman si lola. Sinabi ko kay mom na kukunin ko si lola para makita niya ang kaniyang mga apo sa tuhod. Paglapat ng likod ko sa higaan ko ay nakatulog ako kaagad. Nagising ako dahil naramdaman ko na may humahalik sa aking pisngi. "Nanay wake up, nanay nanay wake up!" gising sa akin ni Josh sabay halik sa aking pisngi. "Josh stop that, don't bother nanay because she's tired" masungit na sita ni Jacob kay Josh. "uhmm you're awake?" sabi ko sa kanila at nagkukusot ako ng aking mga mata. "yes nanay, and we are hungry." sabi ni Jacob. "why don't you ask you're new nanny?" "we don't know her nanay, and you said don't talk to strangers" sabad ni Josh. "aww sorry babies you were sleeping that's why I didn't introduce you with you're new nanny, anayway she is ate May." "hello ate May im Joshua but you can call me Josh." "hi ate May in Jacob and I'm the eldest." "hello ako si ate May"nakangiting pakilala ni May sa mga anak ko. "May dalhin mo muna sila sa baba at bigyan mo sila ng tig-isa nilang gatas nasa may counter yung gatas nila at may mga nakascoop na doon ilalagay na lang sa bote, maliligo lang muna ako saglit bago maghanda ng kakainin natin." "ok po ate, babies lets go." at sumunod na ang mga anak ko sa bago nilang nanny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD