Marco
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kailangan kong mag-isip kung paano ko mapapayag sa gusto ko si Aileen. Hindi ko gustong nakikipagusap siya sa ibang lalaki. Kung aalukin ko nalang kaya siya ng kasal? Tinawagan ko ang kaibigan kong judge at humingi ako ng tulong sa kanya. Habang tulog si Aileen ay nagpagawa ako ng marriage contract namin. kailangan niya lang pumirma at kahit hindi muna niya pirmahan dahil alam kong hindi pa siya handang mag-asawa dahil may mga pangarap pa siya. Ayaw kong maging sagabal muna sa mga plano niya sa buhay pero gusto ko nakatali na siya sa akin. Simula ng makipaghiwalay ako kay Trina ay naging possesive na ako kay Aileen.
Paggisng niya ay papipirmahin ko siya ng contract dahil hindi pa siya nkakapirma simula nung magtrabaho siya sa akin ako na ang nagprint at ako narin ang magbibigay sa kanya para hindi na niya basahin.
Pummasok na ako sa kwarto at tumabi sa kanya. Niyakap konsiya ng mahigpit at nakatulog na din aq sa tabi niya... nagising ako na inaalis niya ang aking binti na nakapatomg sa kanya at ang mga braso ko na nakayakap sa kanya.
Tinanggal ko ang aking binti at naramdaman niyang nagising ako kaya nahinto siya sa kanyang ginagawa.
"naiihi ako" sabi niya sa akin.
"good morning baby" bati ko sa kanya sabay halik sa kanyang ulo pero hindi niya ako sinagot at binuhat ko nalang siya papunta sa banyo.
"iwan mo nalang ako dito kaya ko na mag-isa" galit niyang sabi sa akin.
di ko nalang siya sinagot at lumabas ako sa banyo at hinintay ko nalang siya sa labas. lumipas ang ilang minuto at tinanong konsiya kung tapos na ba siya.
"tapos kanaba baby?"
"hindi pa" sagot niya sa akin.
"okay hintayin kita dito sa labas" sabi ko pero di na siya sumagot maya maya ay binuksan na niya ang pintuan. nakapaghilamos narin siya pero bago pa noya maihakbang palabas ang kanyang mga paa ay binuhat ko na siya.
hindi na siya pumalag. dahan dahan ko siyang ibinaba sa may gilid ng kama. tumawag narin ako kanina sa restaurant at nagpadeliver ako dito ng soup para makakain narin siya.
"hindi ka pa pala nakapirma ng kontrata sabi ng HR. pirmahan mo muna pala ito." sabi ko sa kanya at kinuha ko ang papel at pinapirmahan ko sa kanya.
wala parin siyang imik kinuha niya ang papel at babasahin na niya sana ngunit pinigilan ko.
"wag mo ng basahin pumirma ka nalang dito." at itinuro ko sa kanya ang mga pipirmahan niya. hindi naman siya nagreklamo at pumirma na siya.
"yan lang ba?" tanong niya sa akin.
"oo wala na. kumusta ang pakiramdam mo? masakit pa ba?"
"ano sa tingin mo?" mataray niyang sagot sa akin.
"nagorder na ako ng pagkain natin hintayin langbnatin saglit bago tayo umuwi." saad ko sa kanya.
"uuwi ako ng ganito ang kalagayan ko? sa tingin mo hindi ba magtatanong si lola sa akin kung ano nangyari?"
"ok lang ba na dito muna tayo? tawagan ko si lola na sa bahay ka muna uuwi at sa sabado kana uuwi?"
"ok lang pero tatawagan ko na lang din siya mamaya."
"ok, magpapabili lang muna ako ng mga damit mo kay Kyla"
"wag sabihin mo nalang kay Gretchen ayaw kong malaman nila na dito ako natulog please."
"ok, sige tawagan ko nalang si Gretchen."
Pagdating ng pagkain na inorder ko ay pinagsabihan ko ang waiter na nagdeliver na wag noya ipagsasabi na nandito si Aileen.
Lumapit ako sa kanya para pakainin pero ayaw niya magpasubo sa akin.
"kaya kong kumain mag-isa" sabi niya sa galit na tono.
"sige maiwan na muna kita"at kinintalan ko ang kanyang ulo ng isang halik.
Lumabas ako sa at umupo sa swivel chair sa akinh upuan. Kinuha ko ang papel na pinapirmahan ko sa kanya kanina at inihiwalay ko ang marriage contract namin. ibibigay ko nalang mamaya kay Gerald mamaya para maiprocess na.
Pumasok ulit aq sa kawarto at ngayon tapos na siya kumain. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha pero.galit parin siya sa akin at tinabig ang kamay ko.
"baby ligo lang ako." sabi ko sa kanya pero hindi parin siya nagsasalita.
Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko si Gretchen na magkausap na sila.
Nakita ako ni Gretchen at pinukulan niya ako ng masamang tingin alam ko galit rin siya sa akin. Pero hindi ko muna siya pinansin at pumunta ako sa may walk in closet ko. Pagkabihis ko ay pinuntahan ko na sila.
"Kuya anong ginawa mo kay Aileen bakit siya umiiyak."
"wala akong ginawa." at tinignan ko siya.
"bakit sabi niya nagagalit ka daw sa kanya ng walang dahilan. At bakit hindi siya uuwi ngayon sa bahay nila anong nangyari sa kanya? ayaw niyang sabihin ang ginawa mo. Sinaktan mo ba siya ng pisikal!" sigaw niya sa akin.
"hindi bakit ko naman gagawin yun sa kanya? masama lang ang pakiramdam niya kaya dito muna siya magpapahinga ako ang magbabantay sa kanya. Dinala mo ba ang mga sinabi ko sayo?"
"oo andiyan sa may paper bag lahat ng mga kailangan niya."
"sige na lumabas kana para makapagpahinga siya."
"friend hindi ka ba sinaktan ni kuya?"usisa pa niya kay Aileen pero umiling lang si Aileen sa kanya.
Bumuntong hininga siya at nagpaalam narin sa amin si Aileen.
Tinignan ko ang mga dinala ng kapatid ko. Dinala ko sa banyo ang mga kakailanganin niya sa paligo.
Tinimplahan ko na ang bath tub bago ko siya tinawag.
"baby maligo kana." sabi ko sa kanya pero sinimangutan niya ako bago tumango."
Bumuntong hinga ako ng malalim bago siya binuhat.
"baby check mo kung ok na sayo ang init."
"ok na" maikling sagot niya sa akin.
"sa labas lang ako baby, sigaw ka lang pagtapos kana" sabi ko pa sa kanya.
Lumabas ako saglit sa office ko at tinawagan si Kyla na sabihin sa Finance Dept na hindi muna papasok si Aileen at pinaorder ko narin siya ng pagkain para sa lunch namin ni Aileen. Sinabihan ko rin na tawagan ako sa aking personal na number kapag dumating si Greg.
Pagbalik ko sa kwarto ay hindi pa siya tapos at sinilip ko siya kung tapos na siya pero nakababad pa siya habang nakapikit.
Hinayaan ko muna siya hanggang sampung minuto.
"baby tama na yan, " sabi ko sa kanya. "damn talagang pianpahirapan niya ako"bulong ko sa aking sarili.
bigla siyang nagmulat at napatingin sa akin.
"wala baby sabi ko tama na yan at baka magkasakit ka dahil kanina ka pa nakababad diyan. gusto mo ba na sabayan kita sa pagligo?" pilyo kong sabi sa kanya.
"pervert ka talaga kahit kailan!"
"sayo ko lang kaya ginawa yun"
"umalis kana kaya ko na ang sarili ko."
Lumabas nalang ako para walang away. haay ang hirap ng intindihin ang mga bata. Pagkalabas ko ay siya naman ang pagtawag ni Kyla at sinabing dumating na si Greg, sinabi ko na papasukin na. Linabas ko muna si Greg.
Paglabas ko ay nakangiting mukha ni Greg ang bumungad sa akin.
"Pare kumusta?" bati niya sa akin
"ayos pare ikaw pare kumusta?" tanong ko naman sa kanya at saka inabot ang papel na ibibigay ko sa kanya.
"ito na ba yun? ang bilis ah, anong ginawa mo at napapayag mo?"
"wag mo na alamin pare"
"oh sige pare alam ko naman na busy ka" sabay halakhak niya
"g*g*!"sagot ko sa kanya at tumayo na siya tsaka umalis.
Binalikan ko si Aileen sa kwarto at nakita kong nagbibihis na siya.
"baby gusto mo na ba kumain para ipadeliver ko na ang pagkain natin?" tanong ko sa kanya.
"ok" sagot niya sa akin.
"damn ang hirap sumuyo talaga." bulong ko sa aking sarili. narinig niya siguro kaya bigla siyang tumingin sa akin at sumimangot.
Lumabas nalang ako at tinawagan si Kyla na ipaakyat na ang order ko sa restaurant at sinabihan ko rin na magorder na siya ng sa kanya para makakain narin siya.
Pagdating ng waiter na may dalang pagkain ay hindi ko nalang pinatanggal sa cart na dala niya at pinaalis ko nalang siya. Wala na akong pakialam kung ano pa ang sasabihin niya. Tinanong ko siya dinalhan niya rin ng pagkain si Kyla at sinabing binigay na daw niya kay Kyla ang pagkain niya.
Tinulak ko na ang cart na may lamang pagkain namin at inayos ko na sa mesa ang mga pagkain na dala ko. Lumapit ako sa kanya at sinabing kakain na. tumango lang siya at bubuhatin ko na sana siya ay tinabig niya ang kamay ko.
"kaya kong maglakad" sabi niya sa akin at naglakad na siya papunta sa may mesa.
bumuntong hininga nalang ako ng malakas.
Habang kumakain ay tahimik parin kami. Pagkatapos niyang kumain ay tumayo na siya.
"ang konti lang naman ng kinain mo." sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.
"wala akong ganang kumain."sagot niya.
"sige na magpahinga kana lang" at hindi ko narin tinapos ang aking pagkain dahil nawalan narin ako ng gana. tinawagan ko nalang si Kyla upang iligpit ang mga pagkain dito sa loob ng kwarto ko.
Pagpasok niya ay nagtaka siya at nandito si Aileen. Hindi siya nakita ni Aileen dahil nakatalikod siya sa may pintuan. At nakapikit narin. Dahan dahan rin ang mga kilos niya.
Nilapitan ko si Aileen at sinabing sa labas muna ako at magtratrabaho.
"baby sa office lang ako at magtratrabaho tawagan mo lang ako pag may kailangan ka."
Lumabas ako sa aking kwarto at umupo na ako sa aking swivel chair sa office. Kita ang view sa labas ng bintana sa aking opisina. Humarap ako sa bintana at para marelax at makapagisip kung paano kami magaayos.
Maya maya ay naalala ko na magpabili ng prutas kay Kyla.
"Kyla come here."
"yes Sir"
"could you buy me fruits anything na gustong kainin ni Aileen. May alam ka ba na gusto niyang kainin?"
"Sir gusto niyo bang tanungin ko siya?"
"okay puntahan mo nalang siya, thank you." sabi ko at napahilamos ako ng mukha.
"Sir gusto daw niya ng mangga na hilaw ung maasim daw po tsaka isawsaw sa bagoong."
"huh? kakain siya ng mangga na konti lang ang laman ng tiyan na hindi kaya sasakit ang tiyan niya?"
"hindi naman po siguro Sir."
"ok buy what she wants and bumili kana rin ng apple, oranges and grapes para may pagpilian siya."
"ok po Sir."
At lumabas na nga si Kyla para bumili.
Isang araw pa kami nagstay dito sa kwarto ko sa office, gabi na ng hinatid ko siya sa kanila. Hanggang si hinatid ko siya ay hindi niya ako inimikan. Pero nagmessage siya kay Kyla para magpabili ulit ng hilaw na mangga dahil yung binili ni Kyla kahapon ay naubos na niya.
"call me if you need anything else. Kahit wag ka muna bukas kung hindi ka pa okay. Call me or Kyla ok?"
sabi ko sa kanya at tinanguan lang ako tsaka siya lumabas.
Pinaharurot ko na ang kotse ko pauwi sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ay nagtungo muna ako sa bar counter dito sa bahay. Uminom muna ako ng alak bago umakyat sa aking kwarto.