NAPAPIKIT si Edward na pagpasok nila sa unit, sumunod din ang lolo nito kasama ang dalaga. Bumaling sila sa dalawa na nag-igting ang panga na malingunang ipinapasok na ng lolo niya ang mga luggage ng dalaga. “Lo, pwede ba? Hindi ko siya patitirahin dito. Tahanan namin ito ng asawa ko at sarili kong pera ang pinambili ko sa unit na ‘to,” iritadong saad ni Edward sa matanda. “Ano ngayon kung ikaw ang bumili ng unit na ‘to ha, Edward? Nagmamayabang ka na ba sa akin ngayon ha?” sikmat ng matanda dito na napakamot sa ulo. Kinalabit naman ito ni Lalyn na ikinalingon nito sa asawa. Marahang umiling si Lalyn dito na mukhang nakuha ang ibig ipahiwatig ng asawa. Napabuntong hininga ito ng malalim na pagod ang mga matang tumitig sa matanda. “Lolo, may asawa na ako. Masaya kami ni Lalyn sa isa

