Kabanata 6

2321 Words
LUMIPAS ang ilang araw at dumating ang weekend kung saan napagkasunduan ni Edward at Lalyn na magpakasal. Sinundo nito ang dalaga sa bakeshop para sa pagpapakasal nila. Mabilis lang naman na-process ang kanilang affidavit at kay lawyer si Edward na umasikaso ng lahat. Ipinaalam na rin ni Edward kay Tarah at grandparents nito ang tungkol sa kanyang kasal na gaganapin sa kanilang hotel. Pribado ang kasal. Tanging ang pamilya at malalapit na kaibigan lang ni Edward ang dumalo. Wala namang kaanak si Lalyn at mga kaibigan dahil nasa probinsya ang pamilya niya at hindi alam ang tungkol sa pagpapakasal niya ng biglaan. "A-anong gagawin natin dito?" kabadong tanong nito na huminto sila sa isang kilalang boutique shop. "Bakit? Magpapakasal tayo na ganyan ang suot mo? Gusto mo bang pagtawanan ako ng mga bisita doon?" sarkastikong tanong nito na ikinalunok ng dalaga. Nakasuot kasi ito ng plain white shirt at navy jeans. White converse shoes at nakapusod ang mahabang buhok. Napangiwi ito sa binata na napairap pa sa kanya at halatang labag sa loob ang gagawin nilang pagpapakasal. "Ayos. Napaka-gentleman mo talaga," pabulong ingos ni Lalyn na hindi manlang siya pinagbuksan ng pinto. Sumunod ito kay Edward na nagpatiunang pumasok ng boutique. Ni hindi manlang siya hinintay na tila wala itong kasama. Kung sabagay, malinaw naman sa kanya ang naging usapan nila ni Edward bago nagkapirmahan ng kontrata. Kung hindi lang niya iniisip ang ama niyang nag-aagaw buhay ngayon sa hospital ay hindi siya papayag sa alok nito. Bukod sa napakasungit kasi ni Edward, napakaliit din ng tingin sa kanya. Na pinapamukha nito palagi kung gaano kalayo ang agwat nilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit ito ang hiningi ni Edward na kapalit ng halagang ibinigay sa kanya na sinobrahan pa. Pero ang mahalaga na lamang sa kanya ay ang mabuhay ang kanyang ama at mababawi na nila ang titulo ng bahay nilang nakasangla. Nakabusangot itong nakasunod lang kay Edward na napapangusong pinapasadaan ng tingin ang mga naka-display na wedding gown. Kinikilig namang nakamata sa kanila ang mga staff na nagniningning ang mga matang nakatitig kay Edward. "Try this one if it fits you," saad nito na inginuso ang natipuhang gown. Napasuri ng tingin si Lalyn sa gown. Simple lang ito pero eleganteng tignan. Malambot ang tela na abot sa kanyang ibabang tuhod ang manggas. Sleeveless iyon pero hindi naman kita ang cleavage nito. Kinuha naman iyon ng manager ng shop na inakay si Lalyn. "This way, ma'am. Tingin ko mas babagay ito sa inyo kung mag-apply din kayo kahit light makeup lang." Magalang saad ng manager dito. Inakay niya ito sa fitting room habang naghihintay naman si Edward sa waiting area at nagbabasa ng magazine para hindi ma-bored. May sapat pa naman silang oras para sa kasal. Kaya dumaan na muna sila ng shop at para maipaayos din nito si Lalyn. Kailangan niyang makumbinsi ang lolo niya na lalagay na siya sa tahimik para hindi na siya pakialaman ng matanda. Pero sa oras na magsawa na siya sa tungkulin at handa nang sumunod sa matanda, saka nito ipapawalang bisa ang kanilang kasal. "S-sir, bagay po ba?" nahihiyang tanong ni Lalyn na tumayo sa harapan nito matapos isukat ang damit. Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Edward na nangunotnoo pa na makitang saktong-sakto sa katawan ng dalaga ang napili nito. Hindi ito revealing pero kita ang magandang kurba ng pangangatawan ng dalaga. Idagdag pang malaki ang hinaharap nito. Napalunok itong nag-iwas ng tingin sa dibdib ng dalaga. "Nope." Simpleng sagot nito na sinenyasan ang manager na ayusan ito. Napaismid na lamang si Lalyn sa tinuran nito. Kita naman kasing bagay sa kanya ang dress na suot. Pero ni hindi manlang siya pinuri ng binata. "Akala mo naman kung sinong gwapo. Tsk." Ismid nito na napairap kay Edward. Habang inaayusan ito, hindi niya maiwasang maging emosyonal. Pangarap nitong maikasal sa lalakeng mamahalin siya ng wagas hanggang pagtanda. Hindi naman ito naghahangad ng sobrang gwapo lalo na ang katulad ni Edward na bilyonaryo. Pero heto at wala siyang ibang pamimilian. Alam niyang hindi biro ang papasukin niya. Tiyak na sa huli ay madudurog lang siya lalo na kung matutunan niyang mahalin ang binata. Pero wala naman siyang ibang pamimilian kundi tanggapin ang alok nito alang-alang sa kanyang ama. Buhay ng ama niya ang nakasalalay sa kamay niya. Kahit sinong anak ay kakapit sa patalim para maisalba ang buhay ng kanyang magulang. "Ma'am, tapos na po." Magalang saad ng manager matapos siyang ayusan ng mga ito. Biglang bumilis ang t***k ng puso nito na nasasabik makita ang mukha. Ito kasi ang unang beses na nagpaayos siya at nakasuot ng eleganteng damit. Kaya hindi niya mapangalanan ang saya at excitement na nadarama. Dahan-dahan itong nagdilat ng mga mata na napaawang nang masilayan ang repleksyon sa salamin. Parang ibang tao ang kaharap nito ngayon. Ibang-iba sa Lalyn na nakasanayan nito. Halos hindi nito makilala ang sarili na makita. . . kung gaano siya kaganda ngayon! Nangangatal ang kamay nitong napasapo sa magkabilaang pisngi. Marahan pang tinapik-tapik ang pisngi at baka nananaginip siya ng gising! Nangingiti naman ang mga staff na nakamata dito at naiinggit sa ganda ng dalaga na nahahawig sa isang hollywood actress na si Angelina Jolie! "A-ako pa ba ito?" bulalas nito na mangiyak-ngiyak na nakamata sa repleksyon. "Oo naman, ma'am. Mukhang hindi po kayo sanay na maayusan. Mukhang mahalaga ang araw niyo ngayon kaya inayusan namin kayo ng bongga!" nakangiting bulalas ng manager ditong napangiti. "Are you done?" naiinip na tanong ni Edward na tumayo na sa couch na kinauupuan. Napalingon pa sa kanya ang mga staff na matamis na ngumiti. "Opo, sir. Handa na po si ma'am." Magiliw na sagot ng manager na nagagawa pang magpa-cute sa binata. Hinugot nito ang wallet sa bulsa na iniabot sa manager ang gold card nito. Kinikilig namang inabot ng manager iyon at ikinaltas doon ang dress, shoes at pag-makeup nila sa dalaga. Nangangatog ang mga tuhod ni Lalyn na tumayo at humarap kay Edward na natigilan nang mapatitig sa mukha ng dalaga. Alam naman niyang maganda na ito. Pero hindi niya lubos akalaing may igaganda pa pala ang dalaga! Parang ibang tao na tuloy ang dalaga ngayon sa paningin niya na nakaayos ito. Walang binatbat ang mga supistikadang babaeng nakaka-fling nito sa angking natural na kagandahan ng dalagang kaharap nito ngayon! "Damn. She's so beautiful!" piping usal nito na napalunok. "B-bagay po ba, sir?" nahihiyang tanong ni Lalyn dito. "Pwede na. At least nagmukha kang tao sa araw na ito," ismid nito na pumili ng bouquet para sa dalaga. Napanguso namang napairap si Lalyn sa tinuran nito. White roses ang pinili nitong bouquet na walang kangiti-ngiting iniabot iyon sa dalaga. "Bakit po?" "Anong bakit? Kailangan mo iyan mamaya," ingos nito na kinuha na ang card nito. "Thank you, ma'am, sir. Come again," magiliw na saad ng mga staff na nginitian at tanguan ni Lalyn dahil nagpatiuna nang lumabas ng shop si Edward. Hindi nito maiwasang makadama ng inis sa binata dahil hindi manlang ito marunong maghintay maski ang pagbuksan siya ng pinto. Pagpasok nito ng kotse ay napatili si Lalyn sa gulat na basta na lamang nitong pinaharurut ang kotse! "Mag-ingat ka naman! Muntik na akong sumubsob!" inis na asik ni Lalyn dito. "Sinisigawan mo ba ako, huh?" madiing paninita nito na ikinalapat ng labi ng dalaga. "Hindi naman sa gano'n, sir. Nagulat po kasi ako." Pagpapakumbaba nito. "Tsk." PAGDATING nila sa hotel, humarap si Edward dito na seryoso ang mukha. Napalunok naman si Lalyn na bumilis ang pagtibok ng puso na mapatitig sa binata na nakakunot ang noo. "B-bakit po?" kabadong tanong nito. "Pagkatapos ng kasal, lilipat ka sa akin. Hindi ka na rin pwedeng magtrabaho sa shop ni mommy. Is that clear?" seryosong tanong nito. "Pero--wala 'yon sa kontrata natin, sir." Wika ni Lalyn. Hindi kasi ito pwedeng mawalan ng kabuhayan. Dahil siya ang inaasahan ng pamilya niya sa probinsya. Kung hindi siya magtatrabaho, baka tumigil na sa pag-aaral ang nakababatang kapatid nito. "Idadagdag ko iyon sa kontrata natin. Alam ko namang ikaw ang bread winner ng pamilya mo. Baka sabihin mong napakasama ko. Don't worry, I'll give you fifty thousand pesos monthly as your personal allowance. Ikaw nang bahala kung ipadala mo sa pamilya mo o gagastusin mo sa sarili. Basta sa unit ka lang mananatili at pagsisilbihan ako hangga't asawa kita. Kuha mo?" wika nitong ikinaawang ng labi ni Lalyn. Napalunok pa ito na mapasulyap sa mapula at may kanipisang labi ng dalaga na tila nagpapaanyaya sa kanya ng isang matamis na halik! "O-okay po, sir." Utal nitong sagot nang mag-sink-in sa utak ang sinaad ni Edward. "And one more thing, Lalyn." Muling saad nito na ikinalunok ng dalagang nakamata dito. "No feelings, no s*x. That’s my number one rules to this marriage. You are free to flirt with anyone else you want, Lalyn. And I'll do the same. Hindi mo ako pwedeng pakialaman at gano'n din ako sa'yo. Mananatili kang asawa ko hanggang magsawa na ako sa profession ko at handang sumunod na kay lolo. Doon ka pa lang. . . magiging malaya sa kasal na ‘to.” Seryosong saad nito bago lumabas ng kotse. Natulala naman si Lalyn na napasunod ng tingin dito. "A-ano? Hangga't magsawa siya sa profession niya saka lang matatapos ang kontrata namin? Paano kung abutin kami ng ilang taon na mag-asawa? Matatagalan ko ba ang kagaspangan ng pag-uugali niya?" piping usal nito. Napapitlag ito nang hampasin ni Edward ang bumper ng kotse at ilang minuto itong naiwang nakatulala sa loob ng kotse. "I-ito na," irap nito sa binata na bumaba ng kotse. Nakabusangot itong lumapit sa binatang naghihintay sa kanya na matamang siyang pinapanood. "You look disappointed, Lalyn. Bakit? Akala mo ba dahil pakakasalan kita ay. . . itatrato kitang reyna ko, hmm?" pabulong tanong nito habang naglalakad sila patungo sa elevator. "Hindi 'yan ang iniisip ko, sir. Hwag kang mag-alala. Hindi kita type." Sagot ni Lalyn ditong napataas ng kilay. Pumasok sila sa elevator na umakyat sa rooftop. Doon kasi gaganapin ang kasal nila para pribado at walang ibang makakapasok na hindi imbitado. "Really? You mean. . . kahit tumingin ako sa iba habang mag-asawa tayo ay wala kang pakialam, hmm?" nakangising saad nito sa dalaga. "Oo. Kahit makipaglampungan o s*x ka pa sa harapan ko, sir. Wala akong pakialam." Sagot nitong mahinang ikinatawa ni Edward. "Let's see, young lady." Wika pa nito na napasipol at nagpamulsa ng isang kamay. Napaismid na lamang si Lalyn dito na hindi na sumagot pa. Pagdating nila sa rooftop, napasinghap ito na biglang pinagsalinop ni Edward ang kanilang mga kamay! Natulala ito na napababa sa kamay nila na dama ang pagbilis ng t***k ng puso at ang kakaibang boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa ugat niya mula sa kamay ni Edward! "What's wrong? Everyone is waiting and watching us," pabulong untag ni Edward dito. "Ha? E. . . nagulat lang po, sir." Sagot nito na napangiwi ang ngiti na makitang nandidito na nga ang ilan nilang bisita. Nandidito na ang mga grandparents nito, mga kaibigan at ang pamilya nito na pawang nakangiti sa kanilang dalawa ni Edward. Simple lang din ang decorations ng garden dito sa rooftop ng hotel at iilan lang ang mga upuang nakalagay dito. Sa harapan naman ay may mini stage doon na napapalamutian ng mga white roses at balloon. Nahihiyang nagpatianod si Lalyn dito na inakay ni Edward maglakad ng red carpet patungo sa harapan. Pinapalakpakan naman sila ng mga bisita na pinanood ang dalawang nagtungo sa harapan. "Nandidito na ba ang lahat?" tanong ng pari na magkakasal sa dalawa. "Opo, father. Let's start the ceremony now." Sagot ni Edward dito na tumango. Tahimik ang lahat nang mag-opening prayer muna ang pari sa harapan bago sinimulan ang seremonya. Matapos ang seremonya, nagpalitan na ng vow at 'I do' ang dalawa kasabay ng pagsuot nila ng singsing sa isa't-isa. Kahit konti lang ang bisita ay napakaingay ng mga ito nang hahalikan na ni Edward ang dalaga. "I now pronounce you, husband and wife. Mr Parker, you may now kiss the bride." Pinal na pagtatapos ng pari sa kanilang kasal na umani ng hiyawan sa mga bisita sa pangunguna ng mga kaibigan ni Edward. Nag-iinit ang mukha ni Lalyn na nahihiya lalo na't tinutukso na sila ng mga kaibigan nito. Naiiling naman si Edward na pinakitaan pa ng middle finger ang mga kaibigan bago bumaling kay Lalyn. Dahan-dahan itong yumuko hanggang sa magpantay na ang kanilang mukha. Halos maduling si Lalyn na nakamata dito at dama ang palakas na palakas na kabog ng dibdib! "Don't get me wrong, Lalyn. I only kiss you. . . because I have to. Not because. . . I want to kiss you." Bulong pa nito bago sinakop ng mainit nitong mga labi ang labi ng dalaga! Nakabibinging hiyawan ang naghari sa garden ng hotel na halos higupin ni Edward ang mga labi nito at nawala sa isip kung sino ang hinahalikan sa tamis ng mga labi ni Lalyn! Napayapos pa ito sa baywang ng dalaga na napahawak ng isang kamay sa batok ni Lalyn para mas palalimin pa ang kanilang halikan! "Uhm--tama na." Naghahabol hiningang awat ni Lalyn at para na itong mauubusan ng hangin sa baga! Malamlam ang mga mata ni Edward na parang nabuhusan ng nagyeyelong tubig at nagising ang diwa na makilala ang kaharap nito! Patuloy naman silang tinutukso ng mga kaibigan ni Edward na mahigit dalawang minuto niyang nilapa ang labi ng dalaga! "Ayaw daw akong halikan pero. . . halos hindi na bitawan ang mga labi ko," bubulong-bulong ismid ni Lalyn habang nagpapakuha sila ng pictures. "What did you say?" paninita ni Edward dito na nakangiting hilaw sa photographer nila. "Wala a. Gwapo ka sana. Kaya lang bungol ka," ingos ni Lalyn ditong namilog ang mga matang nilingon ito. "Fvck!" Napalapat ng labi si Lalyn na malutong napamura si Edward sa tinuran nito. Kunwari pa kasi itong ayaw daw siyang halikan. Pero kung makasipsip ito sa mga labi niya. . . daig pa ang gutom na sanggol!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD