MASAYANG nagkukwentuhan sina Tarah at Lalyn habang kunakain sa gawa nitong cupcakes nang dumating si Edward. Sabay pang napalingon ang dalawa sa binata na namilog ang mga matang mapatitig sa dalagang kausap ng kanyang ina!
Maging si Lalyn ay nagulat din na napatayo na makita ang binata. Malalaki ang hakbang na lumapit si Edward dito na nakakunot ng noo.
“There you are, son.” Wika ni Tarah na bumeso sa anak.
“S-son? Anak niyo po siya, ma'am?” gulat na tanong ni Lalyn ditong matamis na ngumiti at tumango.
“Aha. He's my older son, Lalyn. Siya si Edward.” Sagot ni Tarah dito na napaawang ng labi.
“M-may binata na pala kayo, ma'am. Akala ko nga po e. . . kaedaran ko lang kayo,” nakangiwing saad ni Lalyn na mahinang ikinatawa ni Tarah.
“Naku, I'm already forty-eight, Lalyn. I was eighteen when I've got pregnant with him. Maaga akong nabuntis. Pero dahil sa uri ng trabaho ko dati, kailangan kong alagaan ang sarili ko.” Wika ni Tarah na ikinatango-tango nito.
“Mom, excuse lang ha? I'll just talk to her,” saad ni Edward na ikinatango ni Tarah. “Follow me.”
Napaturo pa si Lalyn sa sarili pero dahil nakamata sa kanya si Edward at silang tatlo lang naman ang nasa shop, in-assume nitong siya ang kausap ni Edward.
“Sige na, Lalyn. No worries, hindi naman nananakmal ang anak kong ‘yan. Kakausapin ka lang niya,” saad ni Tarah dito na pilit ngumiting sumunod kay Edward na lumabas pa ng shop.
Kabado si Lalyn na lumapit ditong nakapamulsa na hinintay makalapit ang dalaga sa kanya sa gilid ng parking lot.
“B-bakit po, sir?” kabadong tanong nito.
Kunot ang noo ni Edward na naka-pokerface na nakamata sa dalaga. Sa uri ng tinging ginagawad nito ay kitang hindi natutuwa na makita ang dalaga dito sa shop ng mommy niya.
“Who are you?” madiing tanong ni Edward dito na napakurap-kurap.
“Ako po?” naguguluhang tanong nito na naituro pa ang sarili.
“Bulshit! Hwag mo akong pinipilosopo, babae ka! Sino ka, huh? Una, sumakay ka sa kotse ko at hinahabol ka ng mga kalalakihan. You also kissed me para makatakas ka sa kanila. At ngayon nandidito ka sa shop ng mommy ko na magtatrabaho dito? Sinusundan mo ba ako? Are you stalking me? Is this your way para mapansin kita huh?” may kariinang sikmat ni Edward dito na napaatras sa takot sa binata.
Para na kasi itong gutom na lion sa uri ng tinging ginagawad sa dalaga na anumang oras ay mananakmal!
“A-ano po bang pinagsasabi mo, sir? Nandidito ako kasi naghahanap ako ng trabaho. Hindi ko naman alam na mommy mo si ma'am. Hindi kita sinusundan o ini-stalked. Ni hindi nga po kita kilala e.” Sagot ni Lalyn na bakas ang takot sa mukha at tono.
Nag-igting ang panga ni Edward na ikinalunok nitong makitang tila hindi nagustuhan ng binata ang isinagot niya.
“Hwag mo akong pinaglololoko, ms. Baka ako pa mismo ang magsilid sa'yo sa kulungan.” Pagbabanta pa nito na matalim ang tinging ginagawad sa dalaga.
Hindi na lamang kumibo si Lalyn na sumunod din dito na pumasok sa shop. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib nito na hindi mawari kung anong dahilan.
Napabuga ito ng hangin na pilit ngumiti nang bumalik na sila sa loob kung saan naghihintay si Tarah na nage-enjoy kumakain ng gawa nitong cake.
“Taste this one, son.” Alok pa ni Tarah sa strawberry cupcake na gawa ni Lalyn.
Hindi naman tumanggi si Edward nang subuan siya ni Tarah ng cupcake at napatango-tango pa ito na nag-thumbs-up sa ina.
“It tasted good, right? Lasa mo pa rin na strawberry siya at tama lang ang tamis niya. Hindi ka mauumay kaagad,” wika ni Tarah dito.
“Yeah. Is this new, Mom? Ngayon ko lang ‘to natikman dito a,” sagot ni Edward dito na tumango.
“Aha. Actually, si Lalyn ang gumawa nito,” pagbibigay alam ni Tarah ditong natigilan na napalunok.
Pilit ngumiti si Lalyn nang nilingon ito ni Edward na nakakunot ng noo.
“Sigurado ka bang malinis ito, Mom? Hwag ka namang basta-basta nagtitiwala sa mga hindi mo kakilala lalo na't. . . suspicious ang datingan,” parinig ni Edward na nakurot ng ina.
“Umayos ka nga. She's kind, ano ka ba?” mahinang pagalit ni Tarah dito na narinig pa rin naman ni Lalyn.
Napaismid naman ito sa gawi ng dalaga na nahihiya sa kanilang mag-ina.
“Have a sit, Lalyn. Pagpasensiyahan mo na ang anak ko. Prangka lang talaga siya magsalita pero mabait naman ito,” pampalubagloob ni Tarah ditong pilit ngumiti na naupo kaharap ang mag-ina.
“Okay lang po, ma'am. Naiintindihan ko naman po e.” Magalang sagot nito.
KINABUKASAN, ipinakilala na ni Tarah si Lalyn sa mga makakasama nito sa shop. Wala pang nahahanap na matutuluyan si Lalyn kaya pinatuloy na muna siya ni Tarah sa opisina nito. May silid kasi dito si Tarah na pwede niyang pagpahingaan kapag nasa trabaho. Nahihiya man, tinanggap iyon ni Lalyn habang wala pa siyang matutuluyan.
“Mommy naman. Why did you allowed her to stay in your office? Alam mo ba? Nagnakaw siya sa dating trabaho niya. Kaya hindi siya makabalik-balik doon at sa apartment niya dahil pinaghahanap siya ng nabiktima niya,” pagalit ni Edward sa ina nito na malamang sa opisina ni Tarah tumutuloy ang dalaga.
Napahilot sa sentido si Tarah na pagod ang mga matang tumitig sa binata nito.
“Wala siyang kasalanan, Edward. Siya ang biktima dito. Naniniwala ako sa kwento niya sa akin kaya hindi siya makabalik sa trabaho. Dama kong mabuti siyang babae. Pulis ka. Bakit hindi mo imbestigahan ang buong pangyayari, hmm?” pagtatanggol ni Tarah sa dalaga.
Napahilamos ng palad sa mukha si Edward na malalim na napabuntong hininga.
“Madadamay ka lang dahil sa kanya e. Kapag nahanap na siya ng mga humahanap sa kanya? Pati ikaw madadamay, Mom. Bakit hindi mo na lang siya paalisin? Hwag ka ng maawa do’n at baka mamaya, ang shop mo ang sunod niyang tangayan ng kita,” pagalit pa rin nito sa ina na napailing.
“No, Edward. She'll stay with us. Naniniwala akong wala siyang kasalanan. Ako ang may-ari ng shop na pinagtatrabahuan niya kaya kargo ko siya.” Giit ni Tarah dito na napailing na lamang.
“Bahala ka nga. Basta sinabihan na kita, Mom. Hwag kang iiyak sa akin kapag niloko ka ng babaeng iyon,” nakabusangot nitong saad na nagpaalam na sa ina at umuwi na sa condo nito.
Lumipas ang mga araw, naging tahimik ang pananatili ni Lalyn sa shop ni Tarah. Naging mabenta din ang mga gawa nitong cupcakes na bagong flavor sa kanilang mga tinitinda sa shop.
“Hi, bago ka ba dito?”
Napaangat ng mukha si Lalyn na may baritonong boses ang nagsalita mula sa likuran nito. Napaawang pa ito ng labi na malingunan kung gaano kagwapo ng binatang nakangiti sa kanya.
“Uhm, opo, sir.” Magalang sagot nito na impit na napapairit sa isipan.
Matamis itong ngumiti sa kanya na naglahad pa ng kamay. Nahihiya naman si Lalyn at puro harina ang kamay nito. Kasalukuyan kasi itong nagmamasa ng harina. Bago pa man ito makapagsalita ay inabot na ng binata ang kamay nito na kay bilis hinagkang ikinamilog ng mga mata nito!
“I'm Russel Smith. Kaibigan ko ang asawa ng may-ari nitong shop at ‘yong binatang anak ni tita Tarah. Nice to meet you–” magiliw nitong pagpapakilala sa sarili.
“L-lalyn po, sir. Bagong baker nila dito,” nauutal nitong sagot na ikinangiti at tango-tango ng kaharap nito.
“What's going on here?”
Napasinghap ito na biglang nagkarambola ang pagtibok ng puso na sumulpot bigla si Edward na nangunotnoong mapasulyap sa kamay ng dalawa. Kaagad namang nagbawi ng kamay si Lalyn na hindi napansing hawak-hawak pa rin ng binatang kaharap ang kamay niya na naabutan pa ni Edward!
“Uhm, nothing, dude. Nagpakilala lang ako kay ms beautiful. Ikaw naman. Hindi mo naman sinasabing. . . may bago at magandang dilag kayong alaga dito,” pabirong saad nito sa kaibigan na lalong nagsalubong ang mga kilay.
“Maganda na ‘yan sa'yo? Tsk. Wala ka talagang taste, Smith.” Ingos naman nito na iniwan na ang dalawa.
“Haist. Problema niya?” ingos na lamang ni Russel na napasunod ng tingin sa kaibigan nitong tila nagdadabog.
Napangiwi itong bumaling sa dalaga na pinaniningkitan ang kaibigan nitong paalis.
“Pagpasensiyahan mo na ha? Sanay lang iyon na supistikada ang mga nakakasalamuha kaya hindi makitang napakaganda mo,” wika nito na bakas ang sensiridad sa sinabi.
Pilit ngumiti si Lalyn na umiling dito. “Okay lang po, sir. Sanay na ako do'n,” sagot naman nito.
“Sa labas na ako. Baka nakakaistorbo ako sa ginagawa mo. Nice meeting you again, Lalyn.” May halong lambing pamamaalam nito na napakindat pa sa dalagang pinamulaan ng pisngi.
Nagpatuloy na lamang si Lalyn sa pagmamasa ng harina at nilibang ang sarili. Maghapon kasing dagsahan ang costumers nila sa shop. Kaya hindi sila pwedeng mawalan ng stock.
"Malandi ka pala," ani ng baritonong boses na ikinatigil nito sa ginagawa.
Nagsalubong ang mga kilay nito na napalingon sa nagsalita at napalunok na malingunan si Edward na nakangisi sa kanya. Napakagwapo at kisig pa naman nito ngayon na suot pa nito ang police uniform nito at naka-wax pa ang buhok.
"Anong sinabi mo?" kunotnoong tanong ni Lalyn dito na lumapad ang pagkakangisi.
Humakbang ito palapit sa dalaga na napapalunok at kitang namumutla na nandidito siya.
"Bakit, hindi ba?" makahulugang tanong nito na napahagod pa ng tingin sa dalaga. "Ang sabi ni mommy, pinagtangkaan kang gahasahin ng anak ng amo mo sa dating pinagtatrabahuan mo. Hindi kaya. . . ikaw naman talaga ang nagpakita ng motibo sa lalake kaya akala niya. . . gusto mong makipag-s*x sa kanya?" pang-uuyam nito.
Nanigas ito na iglap lang ay tumagilid ang mukha niya at namanhid ang pisngi sa lakas ng pagkakasamid sa kanya ng dalaga! Nanginginig ang katawan ni Lalyn na mabibigat ang paghingang pinaniningkitan itong napahaplos sa namulang pisngi!
"Ang kapal naman ng mukha mo! Kung talagang magaling kang alagad ng batas at hindi pagwapo lang ang alam? Malalaman mong hindi ako nagsisinungaling sa mommy mo!" nanginginig nitong asik sa binata na napahaplos sa pisngi nito.
"Y-you slapped me?" hindi makapaniwalang tanong ni Edward dito na napalunok.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lalyn na mapagtanto ang nagawa sa binata! Nag-igting ang panga ni Edward na hinablot ito sa brasong impit na napadaing! Sa diin ng pagkakahawak ni Edward sa braso niya ay para na niyang pinipisat iyon!
"N-nasasaktan ako, sir. Bitawan mo ako," utal nitong saad na ikinangisi ng binata.
"What if I won't, hmm? What will you do?" panghahamon pa nito.
Napatingala si Lalyn dito na sinamantala nitong yumuko at sinalubong ang mga labi ng dalagang namimilog ang mga mata sa gulat!