KINABUKASAN. Hindi iniimakan ni Lalyn si Edward kahit nasa silid silang dalawa. Para silang may sariling mundo at hindi nage-exist sa paningin ang isa't-isa. “Hello?” sagot ni Lalyn sa caller na ikinalingon ni Edward dito at nakatalikod naman ang asawa niya sa kanya. Nangunotnoo ito na nakatitig kay Lalyn. Ngayon lang kasi may tumawag dito at sa nakikita niya ay hindi ang mommy niya o pamilya nito ang tumawag sa kanya. Iba din ang nagpaparamdam sa kanya pero nanatili itong kalmado na tila walang naririnig. “Ikaw pala. Napatawag ka?” malambing sagot ni Lalyn na makilala ang caller. “Uhm, pwede ba tayong lumabas? O may lakad na kayo ni Edward,” wika ni Russel dito. “Sige ba! Nababagot na rin kasi ako dito e! Uhm, magbibihis lang ako ha? Hintayin mo na lang ako sa baba,” masiglang s

