Cyrus Andrian Sandoval’s POV Kulay at plate number pa lang ng kotse niya alam ko ng si Noah iyong bumaba ng sasakyan. I shifted on my seat as I stared earnestly on how he gently enveloped his arm on a woman’s waist. I gasped a deep sigh. That woman is definitely not his girlfriend! Pumasok silang dalawa sa loob ng Sofitel. Napakapit ako nang mahigpit sa manibela ng aking sasakyan. Pinaghalong galit at inis ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. How could he cheat on my friend-Phene? “Babe? Bakit ba hindi pa tayo bumababa ng sasakyan?” malambing na tanong ng ka-fling ko ngayon na si Macy I tilted my head in order to face her. “Just a minute Babe!” I responded in a manner that she can only hear. Hanggang sa makapasok kami ni Macy sa loob ng Sofitel ay hindi na pinakawalan ng mga mata ko

