Dahil sa naging mainit na pagtatalo namin ni Noah ng nagdaang gabi ay sa guest room na siya natulog. Hanggang sa paggising ko kinabukasan ay nararamdaman ko pa rin ‘yung sakit at panghihinayang. Kung hindi siguro namatay ang sanggol na nasa aking sinapupunan ay tatlong taong gulang na ang edad ng anak namin ni Noah. I took leave of absence on that day. I called Abby’s mobile number, ayoko rin kasi na magmukmok dito sa condo namin ni Noah buong maghapon. I also wanted space from my husband. Alam kong kung makikita ko na naman si Noah mamayang gabi ay magbabatuhan na naman kami ng masasakit na mga salita. Around ten in the morning when I arrived at Abby’s photo studio. “Ano na namang drama mo ngayon Penelope?” Pang-aasar na naman sa akin ng kaibigan ko. I rolled my eyes immediately. Noon

