Tahimik na sinundan ng kabalyero ang mga kawal. Nakarating sila sa isang kagubatan na kilala bilang tapunan ng mga patay. Ang masangsang at mabahong amoy ay nanunuot sa mga ilong ng mga kawal at ng kabalyero. Hindi kayang tiisin ng mga kawal ang baho na kanilang naamoy kaya nagmadali sila sa pagkilos. Nagtulong tulong ang mga kawal sa pagtapon ng labi ni Azalea sa ibabaw ng ilang mga labi. "Bilisan niyo ang kilos! Ang baho rito! Hindi ko na matiis ang amoy!" malakas na sigaw ng isang kawal. Nagtago lang ang kabalyero sa likod ng malaking puno. Hinintay niya ang pag-alis ng mga kawal bago siya naglakad palapit sa gabundok na mga labi. Nilapitan ng kabalyero ang labi ni Azalea. May pag-iingat na binuhat niya si Azalea at pagkatapos ay dinala niya ito sa kanluran ng kagubatan. Mabilis an

