Kabanata 69.2 Bago sumapit ang liwanag ay umuwi kami sa palasyo nang magkahiwalay. Nauna siyang pumasok sa entrada habang ako naman ay nanatili na nakatago sa likod ng nakaawang na pader. Sa likod ng palasyo kami dumaan upang walang makapansin sa amin. Wala kasing nagbabantay sa likod na bahagi sapagkat malaki at mataas ang pader dito. Hindi alam nang iba na mayroong sikretong daan sa pader. Si Padraig ang nagturo sa akin noon. Nasa malayo ako ngunit napaawang ang bibig ko noong makita kong nakasalubong niya si Prinsesa Zemira. Mag-isa lang ito na lumabas sa entrada ng palasyo. Siguro ay kasunod na niya si Dramon. Ngayon ko muling naalala na maaga na pala silang aalis upang pumunta ulit sa taniman ng tulips. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni Prinsesa Zemira habang nakatitig kay Pad

