“Saan ka pupunta, Binibini?” tanong sa akin ng manggagamot noong tumalikod ako sa kaniya. Lumingon ako sa kaniya. Nakita ko ang nakakunot niyang noo. “Patawad ngunit hindi ko na po bibilhin ang mga gamot na iyan,” sagot ko sa kaniya kaya nanlaki ang kaniyang mga mata. Isang malakas na singhap ang lumabas sa bibig niya. “Ano? Ngunit bakit?” tanong niya habang naguguluhan na nilapitan ako. “Isang malaking kalokohan kung mananatili pa akong sunod-sunuran sa bawat utos niya,” makahulugang sagot ko at pagkatapos ay tuluyan na akong tumalikod sa kaniya. “Pinahirapan mo pa ako sa paghahanap!” naiinis niyang sabi sa akin. “Paumanhin,” tanging sagot ko sa kaniya at pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa tarangkahan. Mabilis akong sumakay sa kalesa at pinatakbo ko ang kabayo. Mabilis itong

