C H A P T E R 1

1421 Words
Dear Future self,   Siguro ngayon ay pagod ka rin katulad ko pero 'wag kang hihinto. Fighting lang dapat.   Oo nga pala, gusto kong sabihin sa 'yo na naniniwala na talaga ako sa sinasabi ng iba na napaka-memorable ng buhay highschool student. Kasi ba naman unang araw pa lamang ngayon ng pasukan ay maraming bagay na ang naganap sa akin. Nariyan 'yung iba pala yung section na na-assigned sa akin malayo sa sinabi sa akin noong enrollment day. Sabi kasi section three raw ako kasi mataas naman yung naging GWA [General Weighted Average] ko no'ng elementary ako, syempre tuwang-tuwa ako kasi out of fifty section ay napabilang ako sa higher section. Pero self paalala ko lang sa 'yo na bawasan mo yung pag-eexpect nang sobra a? baka kasi matulad ka sa akin ngayon e, nasasaktan. Gaya nga nang sinabi ko ay hindi kabilang ang pangalan ko sa 'master list' na nakapaskil sa labas ng silid-aralan ng section 3. Halos mabaliw ako kasi hindi ko alam kung papa'no ko hahanapin ang pangalan ko sa ibang section, e ni isa ay wala pa akong kilala na taga-rito e. Mabuti na lamang ay may isang guro na napadaan na tumutulong sa ibang estudyante na naliligaw katulad ko. Sa huli, natagpuan namin ang pangalan ko sa 'master list' ng section six partida sa fifth floor pa iyon ng building.   Hindi pa roon natatapos ang lahat, dahil kamuntikan na akong malagutan ng hininga nang banggitin ni Bb. Torres [adviser namin] na kinakailangan naming magpakilala sa harap ng mga kaklase namin. Sana naman self sa oras na mabasa mo ito ay mataas na ang self-esteem mo para kayanin mong humarap sa maraming tao. Hindi ka tulad ko ngayon na parang nalalagutan na ako ng hininga kasi isang estudyante na lamang ay ako na susunod. Laking pasalamat ko Na lang talaga ay dahil sa unang araw pa lamang ngayon ng pasukan, halos lahat ng estudyante ay nasa yugto ng pagpapanggap na mababait na bata kaya naman ay walang bumato ng kamatis o kahit anong klase ng bulok na prutas sa akin. Pagkatapos ng introduce yourself portion ay wala nang ibang nangyari na napaka-halaga.   O sige na self, magpapahinga na ako. Basta tandaan mo yung dalawa kong bilin a.   *** "Mama alis na po ako!" paalam ko. Ala-singko na kasi ng umaga baka mahuli ako sa unang araw ng klase, di porket freshmen ako dapat pabebe ang galaw.   "Gusto mo ihatid kita sa labasan? Madilim pa naman." totoo ang sinabi ni mama, madilim pa rito sa lugar namin. Pero hindi ako pwedeng umalis ng saktuhan dahil medyo malayo ang school na papasukan ko. Alam niyo naman na always traffic ang pinas e, mahirap na maipit ako sa traffic sa mismong unang araw ng pasukan.   "Huwag na po ma. Matulog ka na lang ulit. Alis na po ako."   This is it! Pansit! First day ko ngayon bilang freshmen student sa isang semi-private school. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Ikaw ba naman pupunta ka sa lugar kung saan wala kang ideya kung ano ba talaga ang mayroon sa lugar na iyon. Weak na kung weak, e hindi naman talaga ako sanay na lumabas sa comfort place ko. Alam niyo kasi, bagong lipat lang ako rito sa Rizal, galing ako sa Manila you know ‘manila girl’ but take note I’m not the kind of manila girl na napak-arte sa buhay. Nakabili kasi sila mama ng bahay dito e actually 2 years ago pa kami lumipat pero nagpaiwan ako sa Manila para tapusin 'yung 2 years ko sa senior high. Ayaw ko sanang lumipat e, pero walang magagawa kasi hindi rin naman ako nakapasa sa iisang university na in-apply-an ko. May usapan kasi kami ni mama na kapag nakapasa ako mananatili ako sa Manila at mabubuhay mag-isa pero kapag 'di ako nakapasa, sa Rizal ako na ako mamamalagi at hahanap ng school na pwedeng pasukan. At sa kasamaang palad nga ay hindi ako nakapasa. Mabigat man sa loob ko na umalis sa comfort zone ko ay wala akong magagawa dahil sila mama ang nagpapaaral sa akin kaya kailangang sundin. Medyo na hihirapan akong mag-adjust syempre laking Manila ako kahit naman 'di kami mayaman iba pa rin yung buhay na kinagisnan ko sa Manila. Kaya eto ako ngayon nanlalamig ang buong katawan habang papalapit na ang jeep sa babaan. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon napaka-baba ng self-esteem ko.   "After 6 years, ang baba pa rin ng self-esteem mo? Akala ko ba hindi mo na hahayaang mangyari ulit 'yung dati?" tanong ng munting boses sa isipan ko.   "Akala ko rin e pero self gano'n naman talaga ang buhay. Mauulit at mauulit pa rin, siguro may iilang pagbabago pero gano'n pa rin ang kalalabasan." sagot ko sa sarili ko.   Uunahan ko na kayo, nasa matinong pag-iisip pa ako. Baka kasi iniisip n'yong nakakalasan na ako ng isang turnilyo sa utak pero madalas ko lang talagang kausapin ang sarili ko since may pagka - introvert akong tao. At mas gusto kong itinitibang ng maigi ang mga bagay-bagay bago ko sabihin o gawin.   "Tingnan mo, lalo tuloy namamasa ang kili-kili mo. At 'wag mo munang isipin 'yung nangyari six years ago, para naman 'di ka ma-distract. Focus lang self. Fighting."  paalala ko sa sarili ko.   Alam mo bang pawisin akong tao? 'yung kahit kaonting galaw pa lamang ay pinagpapawisan na ako kaya lalo tuloy nagpapawis yung kili-kili ko sa tuwing maiisip kong bagong tao na naman ang makakasalamuha ko. Bagong judgemental na naman na tao ang makikilala ko. Isa kasi sa mga dahilan kung bakit napaka-baba ng self-esteem ko ay dahil takot ako sa judgment ng ibang tao sa akin, nakaranas kasi ako ng pamamahiya ng teacher sa buong klase kaya simula no'n halos kapusin ako ng hininga kapag sasabihing kailangan kong humarap sa maraming tao. At sa tingin ko mangyayari muli 'yung nangyari noon e. Ganitong-ganito rin kasi ang eksena no'ng first day of class ko sa secondary level. Sobra akong kinakabahan kasi ni isa wala talaga akong kilala na pwedeng hingian ng tulong. Sabi ko naman sa 'yo na weak ako na tao, minsan gusto kong mapag-isa pero madalas nakadepende ako sa mga taong nakapaligid sa akin.     "Ouch!" mahinang daing ko sa sarili.   Nagkapaltos kasi yung paa ko dahil sa bagong sapatos at malayo-layong lakaran mula sa babaan ng jeep papunta sa school. Hindi pa d'yan na tatapos lahat ng kalabaryo sa araw na iyo dahil katulad nang nangyari six years ago ay sa fifth floor ng building four ulit ang room. Halos labas na ang dila ko nang marating ko ang fifth floor, pagpasok ko sa room ay kakaonti pa lamang ang tao. Pinili ko na sa bandang gitna umupo dahil alam ko mangyayari ulit ang introduce yourself portion at malaki kasi ang posibilidad na mauna ako sa pagpapakilala kung sa unahan o kaya sa likuran ako nakaupo.   Habang wala pa ang professor namin pinili kong kabisaduhin ang mission at vision ng school kasi alam kong ipapa-recite rin ito katulad no'ng first day ko sa high school.   "Hi" bati ng babaeng estudyante na piniling tumabi sa akin.   "Hello" sagot ko. Medyo naiilang pa akong ngimiti sa kanya.   "Bago ka lang dito?" tanong niya.   Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi ko pa kasi kayang makipagkwentuhan, naiilang pa kasi talaga ako. Pero mukhang walang epekto ang cold treatment ko sa kanya kasi patuloy pa rin siya sa pagkukwento. Tumatahimik lang siya kapag may prof.   Natapos ang tatlong subject ko ngayon na puro introduce yourself at orientation lang ang nangyari. Mabuti na lang ay maayos akong nakapagpakilala kahit na nanlalamig at nanginginig ang buong katawan ko. Ewan ko pero pinuri rin pala ako ng iba kong kaklase sa pagkakaroon ko nang malakas na boses. Ano bang kapuri-puri do'n?   Nalaman ko ring Grace pala ang pangalan ng babaeng tumabi sa akin at salamat sa kanya kasi kahit papaano ay naikukwento niya kung anong mayroon sa lugar kung nasaan ang school at kung anu-anong bagay tungkol sa campus. Naikwento kasi niyang dito rin siya nag-SHS kaya may background na siya sa kung anong klaseng eskwelahan ito.   ♢   Nahinto ako sa pag-aayos ng higaan ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. May notification pa lang dumating sa f*******: ko, isa sa mga social media account ko.   Grace Fajardo sent you a friend request   Nakakatuwang isipin na kahit hindi ko siya masyadong kinakausap, pinili niya pa rin akong kaibiganin. Nakita ko ang pagiging friendly niya sa lahat pero mas madaldal siya pagdating sa akin.   I clicked the confirm button. After no'n ay pinatay ko na ang cellphone ko at naghanda na sa pagtulog.   "Self be happy, may mga nangyari man katulad no'ng nakaraang anim na taon atleast naging maayos naman ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD