Chapter 40 JORDAN ZANIE TORRES POV: Mabilis na tinanggal ko ang kamay ni tito Shion sa kamay ko, at nararamdaman ko ang mabilis na pagtulo ng mga luha ko. Hindi pwedeng magsakripisyo si mom para sa amin, at para sa kagustuhan lamang ni Jennifer. She can't die! Hindi pwedeng mamatay si mom! Damn it. "K-Kailangan kong puntahan si mom, t-tito" mahinang sambit ko, hinawakan ni tito ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha na tumutulo saking pisngi. "Arlyka knows the best for us and for you and Johan" makahulugan na aniya, pero umiling ako. "N-no. S-She can't sacrifice her freaking life just for us! H-Hindi siya pwede mawala..." mahinang ani ko "N-Nasaan si mom?" napatingin ako sa likuran at nakita namin si kuya. A-Anong ginagawa niya dito? Nilapitan siya ni tito khalil, "what

