Kyla POV Alas kwatro nang umaga nang makatulog ulit si Andrei dahil sa kaiiyak niya. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa akin ng anak ko at dahan-dahang umalis sa pagkakahiga. Bago ako umalis sa kuwarto ni Andrei ay hinalikan ko muna ito sa noo at kinumutan ko ng maigi bago ako lumabas at umakyat sa kuwarto ni Uno. "Akala ko hindi ka pupunta." bungad sa akin ni Uno na nakaupo sa kaliwang bahagi ng kama. "Hinintay ko munang makatulog ng maigi si Andrei." "Humiga ka na dito." sabi ni Uno at tinapik pa ang kanang bahagi ng kaniyang kama. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya at humiga sa kanang bahagi. Nakatihaya ako at parang tuod na nakahiga doon pero laking gulat ko nang biglang sumiksik sa akin si Uno at niyakap ako. "Alam mo ba na matagal ko ng pangarap ito?" "A

