Chapter 15

935 Words

Kyla POV "Kyla," tawag sa akin ni Asia. "Bakit ba hindi mo na lang isama si Andrei doon sa bahay na tinitirahan mo?" tanong sa akin nito  habang naglalakad kami dito sa EK. "Alam mo ang sagot sa tanong na iyan, Asia." sagot ko at hinigpitan ang hawak ko sa kamay ng anak ko. Nakita ko naman na napabuntong hininga si Asia sa sinagot ko. "Oo nga pala. Hanggang kailan ka ba susunod sa utos niya?"  "Hanggang sa makalaya na kami ng anak ko mula sa pagkakahawak niya." Hindi na siya nakasagot sa sinabi ko at nagtuloy lang kami sa paglalakad. "Mommy," tawag sa akin ni Andrei bago ito nagtatalon. "Gusto kong sumakay doon. Tara mommy, Tita Asia" yakag sa amin ni Andrei at itinuro ang Boulderville Express. "Sige, baby. Pero huwag kang makulit, ha?" natatawang sagot kp. "Ssaakay tayo doon okay?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD