Kyla POV Kanina pa ako nag sa-sign of the cross dito sa labas ng pintuan ng office ni Zyne dahil mukhang ngayon na ako hahatulan. "Alam mo Kyla, mukha kang tanga." napalingon ako kay langit na nasa likod ko na kanina pa pala nakatingin sa akin "Oh inggit ka na naman?" mataray kong tugon. "Wow squatter girl, mukhang bumabalik ka na sa dati mong ikaw ah." tila nagulat na wika nito. Kailangan eh. "Pake mo? Umalis ka na nga, nasisira araw ko sa'yo." sabi ko at iniwan siya doon. "Kanina pa kita hinihintay." bungad sa akin ni Zyne na nakaupo sa kanyang swivel chair. "A-ano bang pag uusapan natin?" "Maupo ka." sabi niya kaya naman umupo ako sa upuan sa harap niya. "Matagal ko nang gustong itanong sa'yo ito." seryosong sabi nito sa akin. "Gaano mo na katagal kakilala si Nikolas?" Ito n

