Kyla POV Alas otso na ako nagising ngayong araw at nagwawalis ako sa harapan ng bahay ni Uno ng makarinig ako ng sutsot. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang naririnig ko at binilisan ang pagwawalis ng magulat ako dahil biglang sumulpot si Andrew sa harapan ko. “Hi beautiful, flowers for you.” sabay kindat niya sa akin.. “Mygad, Andrew! Ginulat mo ako!” sabi ko sabay hampas ng walis sa kaniya. Oo hinampas ko talaga sa kaniya. “Ouch!” daing niya sabay himas sa braso niyang tinamaan ng hampas ko. “Ano ba ang ginagawa mo na naman dito?” tanong ko. “Syempre, binibisita ka at ang anak natin. Tignan mo oh. May dala akong regalo para kay Andrei.” nakangiting sabi niya. “Aish, ang kulit mo tala--- “Ano na naman ba ang ginawa niyan dito?” sabi ng boses mula sa likuran ko. Napa facepalm na l

