UNO POV Pinasakay ko na sa kotse ko si Grandma tsaka ako nagmaneho. "Zyril Ace." Heto na naman tayo. "Grandma, Just call me Uno, please!" pagmamakaawa ko. "Bakit naman?" tanong nito sa akin at nilingon ako. "Ang ganda kaya ng pangalan mo." mataray na sagot n'ya at napabuntong-hininga na lang ako. Isa sa ugali ni Grandma ang pagiging mataray. Oo mabait siya at mahilig sa mga bata pero mataray talaga si Grandma. Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan dito ni Grandpa noong nabubuhay pa s'ya. "Pero Grandma--" Nang mapahinto ako dahil sa pagtunog ng cellphone nito. "Oh wait a second." sabi ni Grandma at kinuha ang phone n'ya."Yes hello?" .. "Oh? Is that so? I'm so sorry. That's so sad" ... "Yes. Okay." sabi niya at binaba. "Sino iyon, Grandma?" Tanong ko. "Secretary ko sa states. G

