Kyla POV Nandito kami ngayong lahat sa may sala ng bahay ni Uno. Pagkatapos nang nangyari kanina sa labas ay inanyaya namin si Astrid na pumasok muna at pumayag naman ito. "Kanina ka pa nakatingin sa akin. Crush mo ba ako?'' tanong ni Astrid sa anak ko. "A-ano?" namumulang tanong ng anak ko. ''Ang sabi ko crush mo ba ako?" ulit na tanong ni Astrid "H-hindi. Ang panget mo kaya." Saan ba natututo ang anak ko ng mga ganito? Napatingin ako kay Uno at Nikolas na nagpipigil ng tawa dahil sa naririnig nila. Sinamaan ko sila ng tingin para sabihin na tumigil sila dahil walang nakakatawa. "Astrid?" tawag ko at mula sa pagkakatingin nito kay Andrei ay inilipat nito sa akin ang kaniyang atensyon. "Oh?" Aba't! Kyla, pahabain mo ang pasensya mo. Bata iyan Kyla. Bata iyan. "P-paano ka ba napun

