Kyla POV "Where's Zyne?" bungad na tanong sa akin ni langit pagkatapos niyang mag 'beauty rest'. Nandito kami ngayon sa kusina at kumakain. Alas otso na ng umaga at kanina pa nakaalis si Zyne. "Umalis siya." sagot ko. "Saan naman siya pumunta?" nakakunot ang noo na tanong nya at sumubo ng kanin. "Hindi ko alam basta ang sabi niya, kung magpapatayan daw tayong dalawa, gusto daw niya mauna ka.'' sabi ko at tumayo na pagkatapos kong kumain. Nilagay ko na ang plato ko sa lababo at tsaka ako umalis para maligo. Gagala ako ngayon. Gagamitin ko iyong pera na binigay sa akin ni Nikolas. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng white na t-shirt na pinatungan ko ng jacket at jeans ng makasalubong ko si langit. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Mag mo-mall ako." "Nang ganiyan ang itsura mo?"

