Kyla POV Mabilis na nilapitan ng mga pulis si Andrew samantalang ang anak ko naman ay iyak nang iyak. Napalingon ako kay Uno na nakatingin ang mga mata kay Andrew na nanghihina na. Ibinigay ko kay Uno si Andrei at dahan-dahan akong lumapit sa nakabulagtang si Andrew. Rinig na rinig ko na dadalhin daw siya ospital pero umiling si Andrew. Ayaw niya bang mabuhay? "A-Andrew?" tawag ko at nagulat ako ng dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. "I'm sorry." mahinang sabi niya pero hindi ako nagsalita. "I-Isang pamilya lang n-naman ang g-gusto ko p-pero bakit parang a-ang hirap makuha? M-masyado bang mataas ang h-hiling ko? I-Isang masayang pamilya lang naman eh." "Andrew, pamilya mo pa din naman kami Andrei. Tatay ka pa din ni Andrei kaya hindi ko lubos maisip na magagawa mo ito." naiiyak n

