UNO POV Labing-pitong taon pa lamang ako noon at nasa kuwarto ako nang marinig ko na nag -aaway ang mga magulang ko. "Walang hiya ka, Zion! Paano mo nagawa sa akin ito?" sigaw ng mommy ko. Bumaba ako pero hanggang doon lang ako sa hagdan kung san kitang kita ko na nag-aaway sila at umiiyak na si Mommy "Alexandra naman. Naghihinala ka pa din ba na may babae ako?" Tanong ni Da na halata na naiinis na ito sa pang-aaway ni Mommy sa kaniya. "Hinala?" natatawang tanong ni Mom. "Hindi ko na kailangan pang maghinala dahil totoo na ang mga sinasabi ko sa'yo! ZION Nakita kita kanina na may kasabang babae sa isang restaurant. Hindi lang basta babae kung hindi isang babae na may anak na at ka-edad ni Zyril!" sigaw ni mommy. "Isa lang siya sa mga clients ko at---" "Client? May client ka palang h

