UNO POV Pagkagaling ko sa presinto ay kaagad akong umuwi sa bahay at sinalubong naman ako ni Kyla. "Saan ka galing?" bungad sa akin ni Kyla. "Ha?" "Sabi ni Andrei umalis ka daw. Saan ka nag punta?" tanong nya "Sa presinto." "What? Bakit? Ano ang nangyari?" tanong niya. Nagpunta ako sa kusina para uminom ng tubig at sumunod naman si Kyla sa akin "About Zyne." sabi ko. "A-ano ang nangyari?" "Gusto niyang ipakulong ang sarili niya." sabi ko at humarap sa kaniya. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Kyla dahil sa sinabi ko. "B-bakit?" "Siguro ay natauhan siya and nakokonsensya sa sa ginawa niya." sabi ko. "Tapos? Ano ang nangyari? Nakulong ba siya?" tanong niya. Tumingin ako sa mga mata niya at alam ko na naghihintay siya ng sagot. "Bakit? Gusto mo ba siyang makulong?" balik na t

