PAIN Ilang araw ng hindi umuuwi sina Ina at Tyong kaya tahimik ang bahay. Walang mga tao na nag iinuman at nagsusugal. Walang maingay at nagkakalat sa bahay. Ang mga sinabi ni Tyong sa akin ay hindi ko na binanggit kay Ina. Dahil hindi rin naman niya ako papaniwalaan. Baka mabaligtad pa ako. May kanya kanyang lakad ang mga kaibigan ko kaya hindi nila ako nasamahan sa Teahouse. At dahil may kalapitan lang naman sa bahay kaya naglakad na ako pauwi. Sayang sa pamasahe. Kahit pa binibigyan ako ni Ashmere ng allowance ay hindi ko ito ginagalaw. May sarili akong pera. At kaya din ako nasaktan ni Ina ay dahil pinatigil ko na kay Ashmere ang pagbibigay niya ng sustento dito. Si Ashmere na nga ang nagpuno sa bigasan namin at nagbayad ng tatlong taong renta sa pwesto namin ay hindi pa rin it

