Maaga akong gumising kinabukasan para maghanda sa pagpunta ng Solaire.
Actually, kanina pa akong kinakatok ni Kuya kasi sabay daw kaming magbebreakfast at aalis. Kaya naman mabilis kong tinapos ang pagligo ko at mabilis na pumili ng outfit. I choose my black jeans and a black Holster shirt. Kinuha ko rin ang Celine baseball cap ko at sinuot ang black boots.
Before going out, I checked myself in the full length mirror and took a selfie. I added it on my story with a caption “not ur ordinary gun girl :P” and went downstairs.
“Can you please eat faster Kuya?”
Nakapanglumbaba akong inip na nag-aantay sa kaniya sa lamesa. I am ten minutes done eating and he’s still eating like a baby. Paano ba naman kasi ay nanonood siya ng reels sa f*******: kaya lalo kaming nagtatagal.
Umirap ako sa kaniya nang humagalpak siya ng tawa habang nakatitig parin sa cellphone.
Kinuha ko rin tuloy ang cellphone ko at sinilip ang aking f*******:. Nakita kong may ilang notifications ako doon kaya naman ni-click ko ang notification button. Unang bumungad sa akin ay ang reaction ni Cloud sa aking myday!
I clicked it and I almost rant ng makitang ‘haha” iyon. What the? Do I look like s**t in that picture? I quickly typed my reply for him.
To: Cloud Iverson Pacheco
What’s with the reaction?
Mabilis akong nakatanggap ng reply niya. Hindi ko pa iyon nabubuksan nang matapos si Kuya sa pagkain. He stood up and put the plates on the sink.
Mabilis din tuloy akong napatayo at inantay siyang makatapos magtoothbrush at mag-ayos. Nang naglakad si Kuya papalapit sa akin ay nauna na akong lumabas ng bahay. I saw some gardeners cutting dry leaves in the garden. Kumaway ako sa kanila at tumakbo papasok ng gray Bugatti Chiron.
Nang makarating kami ng Solaire ay dumiretso agad kami ng Sky Range Shooting Club and since Kuya Archie is a Corporate Member, we are immediately guided inside by the staff.
Inikot ko ang paningin ko. This is my third time entering this Shooting Range at wala pa ring nagbabago sa loob. There is a 15 lanes of 25 meter long pistol shooting bay, 5 lanes of 50 meter long rifle shooting bay and wide array of high-end firearms. The facility also has gun display cabinet, cigar lounge, executive boardroom, briefing room, gourmet cafe, and a locker room.
Mabilis na nagtawag si Kuya ng trainor na mag aassist sa akin bago ako nilingon.
“I’ll go to Deluxe target retrievers. Stay here and work on pistols.”
Tumango ako at kumaway habang papalayo siya. Humarap ako sa nasa gilid ko. He is a man with around 30 years old. Sinuotan niya ako ng OWB Holster belt pagkatapos ay inabutan ng shooting muffs at tactical gloves.
Pumwesto na ako sa 25 meter long pistol shooting bay at hinihintay ang pistol na ibibigay sa akin ng trainor ko.
I started shooting. Medyo hindi ko mataaman ang target kaya nagtagal ako ng mga 5 minutes bago ko nakuha ang tamang pagpwesto ng baril. Ilang beses din akong tinuruan at humingi lang ng break nang medyo pinagpawisan ako.
Naupo ako sa gilid at uminom ng Bubly Sparkling Water. I rolled my eyes nang makita kong may isang lalaki rin sa gilid ko ang nakaupo at umiinom ng Gatorade. He’s scanning me from head to foot which indicates his like for me. Nakablack siyang Holster shirt and almost have the same of my outfit. Nang tumagal ang titig niya sakin ay lumingon ako sa unahan at pinanood ang mga nagshoshooting.
When I go to college, I really want to pursue military. Alam kong wala ito sa personalidad ko but I was just amazed how military personnel work in serving the country. It is like a calling, that you feel called to serve. Hence, I know my parents wouldn’t approve that. So maybe I’ll be a great wife of a military then?
After 5 minutes of break, I got up to check if there’s a message from my brother. Nakita kong madaming messages ang biglang nag pop from my messenger. Bigla ko tuloy naalala na hindi ko nga pala nareplyan si Cloud kanina. But whatever! Parang alam ko na rin naman ang sasabihin niya based on his reaction on my story.
I replied to few messages then dropped my phone inside my bag. Pero parang may humihila sa mga daliri kong kuhanin ulit iyon at tignan ang messages ng ulap na ‘yon. So I did what my mind is telling me. Nagulat ako ng madami nang messages doon.
From: Cloud Iverson Pacheco
Hindi ba pwedeng napindot lang? :P
From: Cloud Iverson Pacheco
hey!
From: Cloud Iverson Pacheco
Alright. I’ll add a heart reaction bwahaha.
From: Cloud Iverson Pacheco
Destiny :P
Napairap ako at magrereply na sana nang makita ang sinend niyang picture sakin 3 minutes ago. Halos mapasigaw ako ng malakas ng makita ko ito! It was a picture of me earlier while drinking my Bubly Sparkling Water!!! Nakabukaka pa ang mga hita ko dun at kitang kita ang tuluan kong mga pawis!! Grr!
To: Cloud Iverson Pacheco
Ur such a stalker!! Where ‘d hell r u?
Nang hindi siya nagreply ay nagmissed call ako sa kaniya. Wala parin siyang reply and answer sa chat ko kaya naman galit kong ipinasok sa bag ang cellphone ko at kinuha ang pistol na nasa Holster belt.
Sunod-sunod ang pagpapaputok ko sa target na tinitigan pa ako ng officer na nasa loob. I am pissed! Why? Well, he just took a photo without my consent! Okay sana kung maayos ang kuha niya eh pero para akong basang sisiw! Grr
He’s getting really to my nerves! Una ay binasted niya ang kaibigan ko. Padalawa, hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao sa field. Patatlo ay nagreact siya ng ‘haha’ sa myday ko kahit na walang nakakatawa. At pang-apat ay kinuhanan pa ko ng picture nang hindi ako nakatingin! Kumbaga ay letter O na siya sa BINGO!
Ugh!
Naglakad ako papalapit sa trainor ko na kasalukuyang hinahawakan ang balikat ng isang babae di kalayuan sa akin. Tinawag ko siya at marahas na binalik ang pistol.
“Where is the Deluxe target retrievers here?” maarte kong sinabi bago inalis ang Holster belt.
Nang hindi siya agad sumagot ay pinatong ko sa balikat nya ang belt at hinablot ang bag ko na nasa locker at naglakad na papalayo. Maybe I’ll try using rifle.
“But your brother strictly told us that you will only use this room.”
Lumingon ako sa trainor ko na sumunod pala sa akin.
“I will not. I wanna go home,” I lied.
Tumingin siya sakin mula ulo hanggang paa na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. He knows I’m bluffing. Wala na siyang nagawa nang naglakad na ako papalayo at hinanap ang Deluxe.
Mabilis ko lang ito nakita dahil may isang grupo ng mga lalaki ang pumasok dito. Pumasok ako at agad ginapangan ng kaba nang makitang madaming tao sa loob at halos mga lalaki pa. I also feel hot despite of the airconditioned room. Ni hindi ko makita ang Kuya ko. I scanned the room at nakita ang isang maganda at maputing babae na lumapit sakin. She asked me a lot of things about reservation and membership etc. Hindi ko alam ang sasabihin ko but when I say “Archie”, she immediately let me choose the rifle that I will use. Napa 'wow' ako doon. He's regular here so..
I choose the Ruger Precision Rifle. This is my first time to use this. At napansin siguro ng babae na medyo nag-aalinlangan akong gamitin iyon kaya nagtawag siya ng trainor na pwedeng magguide sa akin. I also asked one of the staffs to put my Duffel bag inside the locker then pushed myself to the last lane. Muntik pa akong mabunggo ng isang lalaki na may malaking katawan. Pwew!
I noticed the combat walls for the sidewalls of the range. Malayong-malayo na din ang target at madami na ito.
I started conditioning my body when a warm hand envelopes my waist. Napapitlag ako doon. Paglingon ko ay nakita kong ang trainor pala iyon. He guided me the correct position of the rifle and my body.
Nang pinutok ko iyon ay malayo sa target. I sighed ang tried again nang may narinig akong nagsalita sa gilid ko.
“That’s not how you do it Marco.”
Napalingon kami ng trainor ko sa lalaking nagsalita. My arms are still in position nang biglang lumapit si Cloud at tinabig ang kamay na nasa baywang ko.
Binaba ko ang aking rifle at tinaasan siya ng kilay. He looked at me too for a second pagkatapos ay tumaas din ang kilay sa lalaking nasa tabi ko pa rin. I saw how his jaw moved. May parang usapan sila gamit ang mga mata at bigla ko nalang naramdaman na naglakad na papalayo ang trainor ko.
“And you’re here because?” I asked.
Naalala ko tuloy yung sinend niyang picture kanina! Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at tumawa. He’s wearing a black Holster shirt and a black cargo pants. May black na hat din siya na may tatak na Dolce Gabbana at nakaitim din na boots! He’s all black like me!
“I wanna help you. It seems like pistol won’t satisfy you.”
Napairap ako.
“I don’t need your help. At bakit ba nang-iistorbo ka samin ng trainor ko?”
“So you stopped admiring your little crush on my friend, eh? You like now sugar daddy huh?”
Hindi ko siya pinansin at tinutok na ulit ang riffle sa target. Stop pissing me or I’ll shoot you idiot!
Hinawakan niya ang siko ko at itinaas ng konti.
“Don’t touch me.”
I heard his small laugh pagkatapos ay binitawan ako.
I started shooting pero ni isa ay wala akong natamaan sa target. I am getting very impatient when he held me close and positioned behind me. Naramdaman ko ang hininga niya malapit sa tenga ko bago ako ginabayan sa tamang paghawak ng rifle.
“There. Shoot,” he said.
Sunod-sunod ko iyong pinutok at napangisi ako nang sunod-sunod din ang tama ng mga bala sa target. Nakita ko pang halos malaglag ang target board dahil sa pagka-asintado ng baril ko.
Binaba ko ang baril at lumingon sa kanya. Basang-basa na ako ng pawis at nangangawit ang aking mga braso dahil sa bigat ng rifle. I traced his vision and noticed that he’s looking at the sweat I have in my forehead.
“You might wanna change your clothes Arci.”
Tumango ako sa kanya at naglakad papalapit sa staff bago inabot ang rifle. Naglakad na din ako papasok ng locker para kuhanin ang Duffel bag. Nakasunod lang siya sakin sa likod maybe thinking I might loose myself in the crowd. Madami na din kasi ang mga nagdadatingan.
Medyo nawala ang inis ko sa kanya dahil sa nangyari. This is my first time to use rifle and I’m very much satisfied with the result earlier. Kuya Archie never taught me how to use it or even touch it.
Kinuha ko ang maliit na towel sa loob ng duffel bag at pinunasan ang pawis na nasa noo at batok ko. He crossed his arms in front of me pagkatapos ay tinuro ang leeg niya. I pouted my lips and wiped the sweat in my neck too.
Nang medyo nakaramdamn ng ginhawa ay itinigil ko na ang pagpupunas. I searched for my extra t-shirt inside my bag nang maramdaman kong hinila ni Cloud ang braso ko.
Hinarap niya ako sa kaniya at kita kong umigting ang panga niya. He leaned closer before touching my nape. Hindi ko masyado makita ang mga mata niya dahil sa cap na suot niya. He then wiped something on my nape then moved his hand to my neck. Nakita kong basa ang kamay niya dahil siguro sa pawis ko. Lumayo ako ng konti sa kanya at hinawakan ang leeg ko. Tumindig ang balahibo ko sa leeg.
“What are you doing?” malakas kong tanong sa kaniya.
“Wiping your sweat?”
“Using your dirty hands?”
Tumaas ang kilay niya sakin at nagsalita.
“Should I use my tongue then?”
Malakas ko siyang tinulak. Malakas din siyang tumawa at inayos ang cap na suot niya.
“Anong tongue na pinagsasabi mo?! Tongue-ina mo!”
Napasigaw at napatakip ako ng bibig nang nakita ko kung paano malakas na tinulak ni Kuya Archie si Cloud. Agad na naglanding ang kaniyang kamao sa labi ni Cloud dahil sa suntok ni Kuya. I even saw a small tint of blood in Cloud’s lips.
Galit na nilingon ako ni Kuya at hinigit pa ako papalit sa kaniya.
“Binabastos ka ba ng lalaking to, Arci?”
I may see him angry but not this angry. Hindi ako makasagot dahil natutulala ako sa galit niya. Nasa gitna ako ng pag-tango at pag-iling nang nagsalita si Cloud sa likod. Nilingon ko siya at nakita kong nakatayo siya habang hawak ang dumudugo niyang labi. Napangiwi ako.
“Mas malakas pala ‘tong sumuntok sayo Arci. Akala ko makikita ko na si San Pedro,” humagalpak siya ng tawa.
“Better distance yourself dude. Not my sister,” sabi ng kuya ko habang pinupulot ang duffel bag na nasa gilid.
Nakangisi pa rin si Cloud at unti-unting lumapit sa amin. He extend his arms to my brother who’s now busy closing my bag. Nilingon siya ng Kuya pagkatapos ay tinitigan ang kamay na nasa harap niya.
“Cloud Iverson Pacheco nga pala. You future brother-in-law.”
I cursed.