Chapter 27 "Heart, napkin ka ba?" Tanong ni Gigi sa dalaga na agad na napatanga sa kaibigang nagpi-pickup line. "B-Bakit?" Kahit ayaw niya ay kusang nanulas sa labi niya ang salitang yun. "E kasi lumilipad utak mo kahit wala namang wings." Bwisit. Nagkatawanan silang dalawa. "Sira ka talaga. Alam mo yung nagmo-moment ako rito tapos babasagin mo naman ako ng pickup line mo," aniyang iiling-iling sa matalik na kaibigan. "E paano ang layo na ng narating ng isip mo. Baka kung pwede lang akong sumakay diyan, nasa Amerika na ako o sa ibang planeta siguro." Sakay sila ng taxi. Dumaan ito sa kanya mula sa ospital. Sinamahan nito ang Nanay niya na magbantay doon, at ngayon ay papauwi na rin ito. Natulog lang naman daw ito sa ospital dahil bakante na ang isang stretcher doon sa kwartong inuu

