Chapter 16-Lux Daig pa niya ang isang hari na pumasok sa loob ng restaurant, mayabang at salubong ang mga makakapal na kilay. Doon na lang siya mag-aalmusal dahil nawalan siya ng gana sa asawa niyang ipinaglihi sa 'tama', tama kahit mali. Lumayas pa talaga iyon kahit na may hindi sila pagkakaintindihan. Sa isip niya ay gusto niyang ayusin bago siya magsipagpunta sa trabaho, pero ngayon ay hindi na. Siya nalang naman parati ang todo effort, kahit na hindi naman siya ang mali. Baka nasasanay na si Diana ma masyado niyang ini-spoil. Hindi komo at matalino si Diana at mayaman ay parati na lang na laban sa kanya. Ano bang bali sa alamin niya kung nasaan yun? "Ay!" Tili ng isang waitress, saka niya nasakhihan ang pagtapon ng lahat ng mga laman ng tray na hawak nito. "Bulshit!" Galit na mura

