"So paano Mr. Monterde meron pa kasi akong another meeting. Thank you" At nakipagkamay na ito sa boss niya Pagkatapos ay humarap sa kanya. "Nice meeting you again Miss Del Castillo, I'll just see you around" At nakipagkamay rin ito sa kanya "Thank you rin po sa bigay niyo sir" Nahihiyang ngiti niya rito. Nang makaalis ito ay agad siyang hinila ng boss niya papuntang parking lot. At ibinalya sa pinto ng kotse. "What are you doing?!" Galit na galit na tanong nito. "Ba..bakit po sir?" Naguguluhan at natatakot na tanong niya. "Playing innocent? You're obviously flirting with our client!" "Po? Wala po akong ginagawang ganoon sir" Pagtatanggol niya sa sarili. "Really?! You know what? Ang pinakaayaw ko sa lahat yung mga babaeng malalandi. Akala ko pag pumili ako ng babaeng kagaya mo hin

