Hindi makatulog si Calley habang nakatitig sa cellphone na ipinatong niya sa unan ni Phillian. She was staring at it for who knows how long as she waited for him to respond to her text messages. Noong nakauwi sila ni Nelly kanina ay nagpadala siya ng mensahe kay Phillian, telling him how she missed him and how she wanted to be with him tonight. Sinabi rin niya sa isa sa mga text messages niyang mag-ingat ito sa laot, at umuwi nang ligtas sa kaniya bukas ng umaga. And normally, whenever she would send him text messages, no matter what their contents were, he would always... always give her a call. Pero sa hapon at gabing iyon ay wala itong paramdam na ikina-bahala niya. Kaya noong naghahapunan sila ni Nelly ay hindi na niya napig

