Chapter 3
"CHEOL!! Anong sa barko tayo sasakay??"
"Shh Shyne wag kang sumigaw may mga camera sa paligid."-Cheol
Lumapit silang lahat sakin.
Ayoko. Ayokong sumakay dyan.
"Ate."-Dino
" Natatakot ako bunso. A-ayokong sumakay dyan."
Tapos nagulat nalang kaming lahat ng may nagsalita bigla at may lumapit saming mga staff at inabutan kami ng maliit na bag.
"In 5 minutes, aalis na ang barko. Ilagay niyo na ngayon dyan sa bag na binigay sa inyo ang mga pinakaimportanteng bagay na magagamit niyo sa isla. Magsimula na!!"
"Ha??"-Seungkwan
"Tatlong brief ko lang yata ang kasya dito e."-Jun
"Bakit niyo pa kami pinagdala ng mga gamit kung ganto lang din pala kaliit ang dadalin namin sa isla? Pambihira."-Jeonghan
Nagsimula na silang maghanap ng mga bagay sa bagay nila. Napatingin naman ako sa maliit na bag na inabot sakin. Ano naman malalagay ko dito?
Binuksan ko na ang bag ko at nilagay nalang ang toothbrush,dalawang underwear at isang tshirt. Hanep di na magkasya. Bahala na.
"Hays nakakainis naman!"-Seungkwan
"Tatlong brief nga lang nagkasya anakng."-Jun
"Pahiram nalang ng toothbrush guys!"-DK
"Heh kadiri ka DK!"-Mingyu
"2 minutes!!"
Natataranta na ako. Hindi ko alam kung ano yung mangyayari sa amin dun sa islang sinasabi nila pero hindi ko inakala na sa barko kami sasakay.
Natatakot ako sa dagat. Natatakot akong sumakay dyan.
"Ate Shyne------Ayos ka lang ba??"-Hoshi
"Namumutla kana ate."-Dino
"Kuya Cheol!"- Vernon
Feeling ko hindi na ako makahinga. Nanginginig na rin yung mga kamay ko.
Hanggang sa narinig na namin yung pagsigaw ng mga staff na aalis na nga raw yung barko.
Yung iba tumatakbo na papasok ng barko pero ako eto. Nakatulala lang habang pinapanood silang tumakbo at iniiwan ang mga maleta nila sa tabi.
"SHYNE!!"-Woozi
"Taara na Shyne!!! Baka maiwan ka!!"-Joshua
Pero hindi ko talaga maigalaw ang mga paa ko.
Paano na?? Paano ako---------------
"Tara na."-Jeonghan
Nakatingin lang ako sa kanya habang buhat buhat ako at tumatakbo papasok ng barko.
"H-hoy ibaba mo ako."
"Hindi kana nga makagalaw kanina e. Pano kung maiwan ka dun?"-Jeonghan
Nung nakapasok na kami sa barko, binaba naman niya ako agad pero dahil naramdaman ko yung paggalaw ng barko, napahawak ako agad sa kanya.
"Kumapit ka sakin. Akong bahala sayo."-Jeonghan
Pumikit na muna ako habang nakakapit kay Jeonghan at naglalakad kami papunta dun sa ibang members.
"N-nahihilo ako Jeonghan."
"May gamot sila Minghao dun. Uminom ka nun agad."-Jeonghan
Nung nakarating na kami sa ibang members,narinig ko kasi agad boses nila Hoshi at DK,dinilat ko na yung mga mata ko at tumakbo papunta sa kanila.
"Ateeeee! Akala namin maiiwan kana e."-Seungkwan
"Minghao, pahingi mo raw ng gamot si Shyne. Nahihilo e."-Jeonghan
Kinuha naman agad ni Minghao yung gamot at isang boteng tubig. Ininom ko naman agad pagkabigay sakin. Nahihilo talaga ako. Feeling ko nga masusuka ako e.
Nasa isang pwesto lang kami kung saan kami kami lang ang nandito. Walang mga staff,walang mga camera. Buti nalang.
"Hoy Jeonghan, sinigurado mo bang walang mga camera sa dinaanan niyo kanina? Baka nakuhanan kayo ni Shyne habang karga karga mo siya."-Joshua
"Lahat ng camera nakatutok sa inyo, kaya sinakto ko lang na walang camera na nakatutok kay Shyne."-Jeonghan
"Ibang klase ka talaga e. "-Cheol
Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan pero ako nahiga muna. Gusto ko munang matulog.
-------
"Shyne.. Shyne.. Gising na."-Cheol
Nagising ako bigla sa boses ni Cheol.
"Nasan na tayo?"
"Nandito na tayo sa isla, kaya magready kana."-Cheol
Naupo na ako at nag-inat. Hindi ko na rin masyadong nararamdaman yung paggalaw ng barko. Mabuti nalang at nakatulog ako agad. Dala siguro ng pagod.
Kinuha ko na yung bag na maliit na ibinigay nila sa amin kagabi.
Tumayo na rin ako dahil nakikita ko sila na nag aayos na rin.
"Okay kana Shyne?"-Joshua
Tumango naman ako.
"Mabuti nakatulog ka agad. Hindi ka nagising sa mga ingay nila."-Hoshi
"Ay wow, ikaw kaya pinakamaingay kagabi."-Seungkwan
Natawa lang si Hoshi sa kanya. Tong dalawa na to talaga.
Ginabayan kami ng mga staff sa pagbaba. Napakapit pa nga ako kay Jun.
Nung nakababa na kaming lahat, umalis na rin agad ang barko.
Tiningnan namin yung isla. Puro mga bangka at mga gamit sa pangingisda ang nakikita namin. Tapos sa may taas na bahagi ng isla ay ang mga bahay. Sa may bandang kanan naman ay mga bundok.
"Saan po kami didiretso?"-Cheol
"Ayun ang first task sa inyo ngayong umaga. Hanapin ninyo ang bahay na kulay dilaw ang bubong na nasa pinakataas na bahagi ng islang to. Kapag nahanap niyo yung tutuluyan ninyo within 3 hours, may ibibigay kaming prize sa inyo."
"Sus! Easy!"-Hoshi
"Kaso saang banda diyan? Saan tayo unang magpupunta?"- Woozi
"Maghati hati nalang tayo para mahanap natin agad. "-Mingyu
"Tama. Maghati hati tayo sa tatlong grupo."-Cheol
Unang Grupo (Joshua---DK---Vernon----Dino---Woozi)
Pangalawang Grupo (Cheol---Jeonghan--- Seungkwan---- Wonwoo)
Pangatlong Grupo (Shyne----Hoshi----Mingyu----Minghao----Jun)
Naghiwa hiwalay na kami agad pagkabuo ng mga grupo, tumatakbo rin kasi ang oras at kailangan naming mahanap agad ang bahay.
"Hanep na yan akala ko makakapagpahinga na ako pagkababa natin ng barko."-Jun
"Hindi ko talaga sila magets bakit kailangan pa nating gawin to."-Hoshi
"Huy may camera Hoshi. Hahaha."-Mingyu
"Ay sorry po."-Hoshi
Medyo mahirap maglakad dahil pataas ang mga daan. Napapatingin na nga yung iba samin. Nagtataka siguro bakit may mga camera na nakabuntot samin.
"Mingyu, gamitin mo yang kapogian mo para magtanong tanong, malamang naman na sasagutin ka nila."
"Talaga ba ate Shyne? Hahaha."-Mingyu
"Aarte pa yan."-Minghao
Mas madali kasi kung magtatanung tanong kami diba? Kesa naman para kaming nangangapa sa dilim at hindi alam kung saan talaga pupunta.
"Bakit hindi ako yung sinabi mo ate Shyne? Pogi rin naman ako."-Hoshi
"Sige na ikaw ang next na magtanong."
Sakto naman may mga matatanda kaming madadaanan.
"Ayan ayan! Kela lola ka magtanong!"
Lumapit kami sa dalawang matandang babae. Napangiti naman sila agad nung lumapit si Mingyu. Ibang klase talaga kamandag nito e. hahahaha.
"Hello po!"-Mingyu
Napatingin na rin sila Lola sa mga camera.
"Hello!! *kaway sa camera."-Lola 1
"Magtatanong lang po kami Lola kung alam niyo po yung bahay na may dilaw na bubong?"-Mingyu
"Yung nasa pinakataas na bahagi ba iho?"-Lola 2
"Opo! Yun nga po!"-Jun
"Nandun yun sa gitnang daan. Diretsuhin niyo lang yun at tutumpukin niyo yun agad."-Lola 1
Gitna?
"Dun sa daan na pinuntahan nila Kuya Cheol."-Hoshi
"Ganun po ba? Sige po lola, marami pong salamat!!"-Mingyu
"Thank you po!!"
"Kaganda mo namang bata iha!"-Lola 2
"Ganyan din ang mukha ko nung kabataan ko e."-Lola 1
"Ay. Hahaha. Thank you po!!"
Kumaway naman na kami at nagpaalam sa kanila.
"Buti nalang at hindi pa tayo nakakalayo masyado. Puntahan na natin sila Kuya Cheol."-Mingyu
TUmakbo na kami agad at pinuntahan sila Cheol. Nasa kabilang daan lang naman sila. Kaso medyo nakakalito ang daan dito dahil maraming paliko liko.
"Saan ba naglulusot yung mga yun?"-Minghao
"Sumigaw ka nga raw Hoshi baka sakaling marinig nila tayo."-Minghao
"Eh? Bakit ako?"-Hoshi
"Dalii naaaa."
Tiningnan lang ako ng masama ni Hoshi pero tinulak tulak ko pa rin siya. Hahahaha. Sama ko no?
Huminga muna siyang malalim tapos tumalikod samin. Sabay sigaw.
"KUYA CHEOL!!!! NASAN NA KAYO???"-Hoshi
Tapos maya maya lang din may narinig kaming sumigaw.
"BAKEEEET??"-Jeonghan
"Dito tayo sa kaliwa!"-Minghao
Sinundan naman namin si Minghao at nakita nga rin namin agad sila Cheol.
"Sigaw ka ng sigaw dyan?"-Seungkwan
"Eh pinasigaw kasi nila ako."-Hoshi
"Dito raw sa daan niyo yung hinahanap nating bahay."
"Ay talaga ba? Tara na hanapin na natin!Napapagod na rin ako e."-Seungkwan
"Oo nga gusto kk nang mahiga."-Jun
"Tara tara."-Cheol
Nagsama sama na kaming maglakad pataas at hinanap ang bahay.
"Pano naman yung ibang team?"-Wonwoo
"Kapag nakita na natin yung bahay dun natin sila hanapin."
"Sisigaw lang si Shyne maririnig agad nila yun."-Jeonghan
"San daw ba dito?"-Seungkwan
"Basta dumiretso ka lang daming reklamo eh."-Hoshi
"Oh! May nakikita na akong dilaw na bubong!"-Mingyu
"Nasan??"-Hoshi
"Ay sana all kita agad."
"Asa ka namang makikita mo agad-----ARAY!"-Jeonghan
"Heh!"
Bwisit talaga to. Porke ako pinakamaliit sa grupo eh.
"Oo ayun na nga!! Hahahaha."-Mingyu
Tumakbo naman si Mingyu kaya tumakbo na rin kami kasunod niya. Hanggang sa nakita na nga rin namin yung bahay.
Takbo lang kami ng takbo. Meron pang hagdan na maliit bago kami nakarating mismo sa bahay. Naabutan pa nga namin dun yung mga staff at mga camera.
"Pinahirapan niyo kami ha. Hahaha."-Cheol
"Oh Shyne sumigaw kana!"-Jeonghan
"Bakit ako sisigaw?"
"Para malaman nila na dito yung lugar. Dali tungtong ka dun sa papag na yun!"-Jeonghan
Napatingin naman ako sa papag. Hay naku naman.
Tumungtong na ako sa papag. Napatingin pa nga sakin yung mga staff pero natawa lang din agad. Bat ba ako nagpapapakinig kay Jeonghan?
"GUYS!!!!NANDITO NA KAMEEEEEEEE!! BILISAN NIYO NA PARA MAKAKAIN NA TAYOOOOOO!"
Narinig ko naman yung pagpalakpak nila Seungkwan.
"Grabe ate Shyne nabingi ako dun ah!"-Seungkwan
Tinulungan naman akong bumaba ni Mingyu sa papag.
"Manager, nasan na po yung prize namin?"-Jeonghan
"Wala pa yung iba niyong members. At saka may 30 minutes nalang kayo."-Manager
"Ehh?? 30 minutes nalang??"-Seungkwan
"Aabot sila guys don't worry."-Wonwoo
"Teka, papasok nga muna ako dito."
Medyo malamig na rin kasi kaya pumasok muna ako. Medyo masikip yung bahay. May isang malaking kwarto lang at isang dining area..
Tekaaaa.
"Iisa lang yung kwarto??"
"Oo te. Kung gusto mo dito kana lang matulog."-Hoshi
Tinuro naman niya yung pwesto na malapit sa banyo.
"Wow Hoshi ang gentleman ah."
"*laughs* Joke lang!"-Hoshi
Pano na yan?? At saka naalala ko lang,pano pala yung mga damit namin?? Ano to hindi ako maliligo ng tatlong araw?? Wah!
"Nandito na silaaaaa!"-Jun
Napatakbo naman kami parehas ni Hoshi palabas. Nagsiksikan pa nga kami sa pinto e. Nung una ayaw niya pa akong palabasin pero binatukan ko nga. Hahahaha.
"Welcome baaaack!"
"Narinig nga lang namin boses mo e. Hahaha."-Woozi
"Sabi ko sayo Shyne effective e.. "-Jeonghan
"Okaaaay! Nandito na po kaming lahat! Baka naman Manager."-Cheol
"Okay sige na. Eto na ang prize namin para sa inyo."-Manager
Tapos napatingin kaming lahat dun sa may gate na pinasukan namin kanina. At nakita namin yung ibang staff na may mga bitbit na mga maleta.
"Teka."
"Uy maleta ko yon!!"-Vernon
Sa wakaaaaas!!!!