NANG HAPON NAG-AYA ang anak kong lumabas daw kami at katagpuin ang matandang ale na nagbigay sa kanya ng sampaguita. Ang kulit ng anak ko kaya naman nagpatianod nalang ako sa gusto niya. Sa may likod ng palengke niya ako dinala. Doon daw kasi niya nakita ang Ale noong isang araw. Habang naglalakad kami lalapit sa lugar may isang babae ang palingalinga na nakatayo doon. "Ale!"sigaw ng anak ko. Bumitaw ito sakin at tinakbo ang pagitan namin at ng ale. Napansin ko may dala na naman siyang sampaguita. Kasing dami ng sampaguita na binigay niya noong isang araw. "Dark Sky" Napataaa ang kilay ko ng banggitin niya ang buong pangalan ng anak ko. At mukhang ang anak ko nga ang hinahanap niya kanina pa. "Bakit ngayon ka lang nagpakita Dark?"sabi pa nito sa anak ko. "Kayo po ba ang nagbigay

