MAAGA palang gising na ako, wala kasi akong kasama na natulog. Umuwi si Dimitro kasi siya sa bahay niya kaya maaga din akong natulog kagabi. "Good morning po nanay kong pinakasexy sa lahat ng nanay sa lahat ng mundo"lambing sakin ni Dark. Siya ang katabi kong natulog kagabi kaya pagdilat palang ng mata siya na ang nakita ko. Namiss ko kasing bigla na katabi ang mamang maliit ko. "Good morning din po, mamang maliit ko na pinakagwapo sa lahat ng mga anak sa buong mundo"ganting bati ko sa kanya. Pinaghahalikan ko siya sa buong mukha niya. Sa sobrang tuwa niya hinalikan na din niya ako sa buo kong mukha. "Ano ba yan, mamang maliit. Amoy panay na laway na si nanay"nakatawa kong reklamo. Nanghahaba ang nguso niya na niyakap ako. "Pero gwapo pa din po ako po nanay kahit po panis laway ko

