KULANG NALANG idikit ko ng tuluyan ang tenga ko sa pinto. Mula kasi kanina na pumasok sila Dimitri sa loob ng study room niya hindi pa sila lumabas. May isang oras na siguro. Ang ipinagtataka ko pa bakit pati anak ko nasa loob. Si Dimitri, si Dark, at lolo ni Dimitri ang nasa loob. "Madam, anong ginagawa mo dyan?"takang tanong ni Wendy sakin. Sinenyasan ko naman siyang wag maingay. Kainis ito baka mamaya marinig siya sa loob. "Sound proof po ang study room ni Big Boss, di po tayo maririnig sa loob"natatawag sabi naman ni Wendy. Napaayos ako ng tayo ng wala sa oras. Kaya pala kahit anong dikit ko ng tenga ko sa pinto wala akong marinig iyon naman pala sound proof. Bakit hindi ko alam iyon, ilang beses ko ng napasok ang study room na ito ngayon ko lang nalaman iyon. "Kainis naman"nagd

