MAGKAHARAP kami ngayon ni Big Boss, nasa loob kami ng study room niya. Ngayon ko lang napasok ang kwarto na ito. Doon lang naman kasi ako lagi sa master's bed room at sa kwarto namin pumapasok. "So, may anak ka na pala miss Yummy"nakangisi niyang sabi. Nilalaro pa nito ang ball pen Na hawak niya habang nagsasalita. "Wala naman po akong sinabing wala akong anak"nakangusong sagot ko. Mahina siyang natawa, tapos umayos ng upo. "I like you humor Miss Yummy"sabi niya ng bigla na siyang nagseryoso. Kinabahan naman ako sa paraan ng pagtingin niya sakin. Parang may something sa mga mata niya. Heto na naman ako sa pakiramdam na parang pamilyar talaga siya sakin. "Madami akong baon na humor, gusto mo ng isa?"pagbibiro ko para gumaan ang situation. Para kasing bigla siyang nakakatakot. Ung

