Minasdan mabuti ni Clarisse ang sarili sa salamin. Mukha na siyang mabangong bulaklak sa soot niyang off shoulder na light pink dress na tinernohan ng simpleng sandals.
"Perfect na ang atake mo girl!" ,bulong niya sa kaniyang sarili habang walang humpay na pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Invited kasi ang mag-anak nina Lyndsay at Tristan sa mansiyon ng pinsan ng huli para sa isang munting salo-salo. At siyempre kasama na rin siya dahil nakiusap siya sa matalik niyang kaibigan .
Hindi siya magpapahuli pagkakaaon na kaya niya na muling masilayan si Zach. Yung makita niya ang lalaki ay blessing na niyang maituturing bonus na lang kung ngitian siya dahil parang sa tinagal tagal niya sa mansiyon ng mga Leviste hindi na yata niya nakita na ngumiti ang lalaki. Bilang na bilang talaga sa daliri!
"Hmp! Sungit mo naman talaga Zach— kaso ikaw talaga ang type ko eh! May magagawa pa ba ako? Hays— yung kissable lips mo talaga yung weakness ko!", ani Clarisse sa sarili na medyo kinikilig pa.
Kinuha ni Clarisse ang paborito niyang cologne at nag spray ng bahagya sa likong ng tenga gayun din sa kaniyang pulso. Siniguro muna niya na kaakit-akit na ang kaniyang hitsura bago tuluyan na lumabas ng kaniyang silid.
Kabaliwan nga siguro na matatawag ang mangarap na mahalin ng isang kagaya ni Zach na bukod pa sa napaka yaman ay ubod rin ng gwapo, pero disidido na siya. Gagawin niya ang lahat upang mapasakaniya ang lalaki sa kahit na anong paraan.
At ngayon na iyon magsisimula!
"Clarise?!", mahinang tawag ni Lynday sa labas ng silid ni Clarisse.
"Oo sis! Ready na me! Pak na pak na! Im coming!!!!", tili pa ng babae.
Mabilis nitong binuksan ang pintuan habang malapad na nakangiti.
Bahagyang napa kunot ang noo ni Lyndsay nang makita ang gayak ng babae.
"Ba-bakit?" May— problema ba?"
"Sis— halika na? Bakit ba ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay sa baba!"
"Owwww .... So sorry sissy! Ano kamusta? Ma— maganda na ba ako?"
Humalukipkip muna si Lyndsay habang pumapalatak. Wala sa loob na napangiti ang babae.
"Sis— yung mga bilin ko naman sa'yo! H'wag ka masyado obvious na gusto mo si Zach!"
"Ano ka ba? Hindi na uso ngayon ang Maria Clara!"
"Clarisse— baka naman akalain nung tao na easy to get ka! Magpakipot ka naman!", ani Lyndsay na natatawa.
Napatakip sa sariling bibig si Clarisse saka humagalpak ng malakas.
"Sissy— ganun ba talaga dapat? Gusto ko talaga na magkatuluyan kami ni Zach, e. Tulungan mo ako na mag apply as secretary niya ha?"
"Ha?!"
"Naku— nangako ka na! Ngayong gabi kailangan na mapapayag mo na si Zach!"
Napailing na lang si Lyndsay.
"Hay naku Clarisse! Ikaw talaga!!!!!!!"
"Okay lang yan sis suportahan mo na lang ako, please?!", malambing na ani Clarisse.
*********************************************
Pagkatapos ang munting salo-salo sa mansiyon ng pamilya ni Zach ay minabuti ni Clarisse ang maglakad lakad sa garden. Ang tangi lang naman niyang nais ay masilayan ang binata na tinatangi niya ngunit wrong timing pala. Ang inaakala niya na pagkakataon para maka daupang palad si Zach ay hindi naging makatotohanan dahil wala naman pala ang huli sa mansiyon.
Nasa isang meeting raw ang lalaki sa Maynila at hindi pa nila tiyak kung kailan ang uwi nito. Kadalasan raw nagtatagal ito doon at sa condo na lang nito tumitigil o di kaya naman ay sa bahay ng girl friend ni Zach siya umuuwi.
Nang marinig iyon ni Clarisse tila ba nawalan na siyang tapusin ang hapunan. Tila ba mga mumunting karayom iyon na tumutusok-tusok sa kaniyang dibdib nang paulit-ulit.
"Ano ba yan Clarisse.... hmmmmm.... hindi ka pa nagsisimula e mukhang bokya ka na kaagad! May girlfriend na pala si Zach so ibig sabihin ekis na ako kagad sa buhay niya! Ang malas... ang malas ko naman talaga!", bulong ni Clarisse sa sarili.
Nasa ganoon siyang isipin habang naglalakad sa gilid ng malawak na pool. Papunta sana siya sa garden, nang biglang dumulas ang sandals niya may kung ano siyang natapakan sa gilid ng pool at palibhasa bahagyang basa ito naging dahilan iyon upang tuluyan na mawalan siya ng balanse.
"God babagsak ako sa pool! Help hindi ako marunong lumangoy!", malakas na tili ni Clarisse.
Hindi na niya alintana kung marinig man hanggang kabilang kanto ang matinis niyang tinig at kung ano man ang isipin ng mga tao sa mansiyon dahil higit na mahalaga na h'wag siyang mahulog sa pool dahil bukod sa nakakahiya iyon ay totally na hindi siya maruning lumangoy!
Napapikit na lang nang mariin si Clarissr sabay tawag sa lahat ng mga santo na maaring makarinig sa kaniya! Tiyak na malaking kahihiyan ang susunod na mangyayari!
Nang biglang may matipunong bisig angb kaagad na humapit sa kaniyang balakang papunta sa kaniyang malapad na dibdib. Bumilis ang pintig ng puso ni Clarisse at tila tumigil ang pag-inog ng kaniyang mundo nang mapagsino ang lalaki nan ngayon ay nakayakap pa rin sa balinkinitan niyang katawan. Amoy na amoy niya ang minty breath nito at ang nakaka akit na pabango na para bang lalong naging dahilan ng pagwawala ng kaniyang puso!
Wala sa sariling napatitig si Clarisse sa lalaking sumagip sa isang malaking kahihiyan niya ngayong gabi! Paano ba niya makakalimutan kung sino ang nagmamay-ari ng mga labing iyon na para bang laging nag-eenganiyo ng halik!
Ang lalaking ipinangako niya sa kaniyang sarili na makukuha niya sa kahit na anong paraan?
Walang iba kung hindi si Zach o Jave Zachary Leviste III. Yung pinsang buo ni Tristan na asawa ng bestfriend niya si Lyndsay!
Naghinang ang kanilang mga mata at hindi maiwasan ni Clarisse na papungayin ang mga mata uoang kuhanin ang atensiyon ng lalaking pinapangarap at hinahanaphanap lang niya kanina lang.
"Zach... ang pogi mo talaga!", wala sa loob na nasabi ni Clarisse.
Wala sa loob na nabitawan ni Zach ang babae at napakunot ang noo ito sa sinabi ng babae.
"W... what?!", naguguluhang ani Zach.
Noon tila bumalik sa sariling katinuan si Clarisse. Ano ba kasi itong pinapagsasabi niya?!
"Ahmmmm... ha? Ah... a.. e.. wala! Ang sabi ko ang bait mo! Salamat sinagip mo ako! From now on ikawn na ang super hero ko!", ani Clarisse na malapad na nakangiti.
"Tumpak! Dininig na kaagad ni Lord ang wish ko! Ang swerte ko naman ang pogi ng super hero ko! Catch me Zach... I'm falling for you!", hiyaw ni Clarisse sa isipan.