Tahimik ang biyahe naming dalawa ni Kieran. Wala akong lakas para kumibo man lang. Pabalik balik na nag peplay sa utak ko ang nangyari at hindi iyon tumitigil hanggang sa nakatulog ako sa biyahe. Nagising ako sa mahihinang tapik sa aking pisngi. "Baby... Wake up, nandito na tayo.." rinig kong saad ni Kieran. Halata sa boses niya ang pagod. Unti unti kong idinilat ang mga mata at sumalubong sa akin ang maliwanag na paligid. It's morning already! "You okay, Clarisita?" tanong niya gamit ang baritono niyang boses. Mahina akong tumango at tinanggal ang seat belt. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago ako lumabas ng sasakyan. I don't really have the energy right now. Pagod ako, traumatized at gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko. I feel so sorry for Mar

