MIA'S POV "Yes." proud kong sambit at itinulak siya para makadaan. Diba dapat nasa game siya ngayon? Tsk. "Ano yan Mia? Nag downgrade ka? Ang baba naman pala ng taste mo sa mga lalaki." nang uuyam niyang sambit. "Ang Alvaro pa talaga na yun? Tangina Mia! Mahirap ang lalaking iyon, anong ipapakain niya sayo? He can't even afford to take you on dates sa isang sikat na restaurant!" bulalas niya pa. Inis ko siyang hinarap. "Bakla ka ba, Miguel?" galit kong sambit at nilingon siya. Nakita ko ang pagkagulat niya at pagtataka. "What the fuc—" "Kasi talo mo pa ang isang babae kung mag rant diyan! Ano? Natapakan ko ba ego mo? Sorry ha? You're acting like you're a good boyfriend kahit na hindi naman! Ilagay mo diyan sa kokote mong nagcheat ka, Miguel! You're a damn cheater kaya wala kang

