"Wow naman, ikaw ang nagluto sa lahat ng 'yan?" tanong niya kay Dos nang madatnan ang asawa kinaumagahan sa kitche at naghahanda ng sangkap sa isa pang putaheng niluluto nito. May tatlong iba' t ibang putahe nang luto kitchen table. Ngayon lamang niya nakitang ganito ka ganado ang asawa. Pasipol sipol pa ito habang naghahanda na tila ba enjoy na enjoy talaga ito sa ginagawa nito. "Espesyal ang araw na ito baby, nakalimutan mo na ba?" tumigil ito sa pagbabalat ng gulay at kinausap siya saglit. Sandali siyang nag-isip. "Ohhh my, I'm so sorry baby. Nakalimutan ko, anniversary pala natin!" Lumapit siya sa asawa at mahigpit itong niyakap at dinampian ng halik sa labi, pisngi, sa tungki ng ilong at sa noo. "I love you, happy anniversary baby! Kaya pala naghahanda ka!" "Happy anniversary too

