Tama nga na malakas ang ulan kinagabihan, nakikita niya ang pagsayaw ng mga puno sa labas ng glass window dahil sa napakalakas na hangin at ulan.Si Dos ay mahimbing nang natutulog sa kama kasama ang quads samantalang siya ay sumisilip pa rin kung ano ang sitwasyon sa labas.Nakakabahala lalo na't nasa isla sila.Marami na rin siyang narinig tungkol sa mga isla na kagaya nito .What if, tataas ang tubig dagat at bigla na lamang tatabunan ng tubig ang isla? She can imagine the big waves raging from the sea, nakakatakot lalo na't naroon ang mga anak nila. Bigla siyang natigilan at bahagyang nagulat nang makarinig ng sunod sunod na ingay sa baba. Ang malakas na hangin lamang ba iyon? O may kung ano nang nangyayari sa baba na hindi nila napapansin dahil napakaingay sa labas. Mas lalo pa siyang

