" Come here , blue it's your turn!" wika niya sa isa sa mga quads habang binibihisan ito. Nasa kwarto na sila , katatapos lamang nilang lahat mag dinner , nag-warm bath sila at ngayon ay binibihisan na niya ang apat. Siya ay naka towel pa dahil inunahan na niya muna ang quads. May kan'ya kan'yang hawak na tsupon na ang mga ito dahil maya-maya ay hihiga na ang apat at matutulog na. Alam na alam niya ang routine ng quads kapag ganitong oras. Naka-aircon ang kwarto kaya napaka-presko ng mga ito at good mood rin. " Dada......dada......" sambit ni Dark bukambibig ang ama nito. " Dark, quiet....Dada is not here..." sambit niya sa anak. Nang umakyat na sila kanin ay hindi na niya nahagilap pa si Dos. " Lay down now babies..time to sleep!" utos niya sa mga iyto at sabay sabay namang humiga

