" Ano ba ito, Elsa? Simpleng report lamang hindi mo magawa ng maayos? Binasa mo ba ito? This is a trash! Now get out and never come inside here again until this will be right!" Nagkalat ang mga papeles sa sahig sa loob ng kan'yang opisina nang bigla niya itong ihagid sa harapan ng kan'yang sekretarya. Nakakainis, lahat na lamang ng pinapagawa niya ay mali. He is not satisfied with the proposal she made, Mangiyak-ngiyak ang kan'yang sekretarya habang pinupulot ang mga nagkalat na papel.Why? Bakit lahat na lamang ay tila walang tama at maayos sa kan'ya. Simula nang bumalik siya sa company ay naging impyerno ang buhay ng mga empleyado niya.Walang araw na hindi niya sinisigawan o pinapagalitan ang mga ito. Lahat ng kilos ng mga ito ay nakakakitaan niya ng mali. May mga nag resign na nga si

