APOLLO DOS COLONER "Hello, Oooh Mayor Zandro kumusta?" tanong ni Lyka pagkatapos nitong sagutin ang cellphone. So, ang Mayor na 'yon ang tumatawag sa asawa niya kanina pa. Pabalik na sila ngayon patungo sa mansion, Napakunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ni Mayor Zandro. Hanggang ngayon ba naman ay pilit pa rin itong umeepal ? May mga anak na nga si Lyka pero patuloy pa rin ito sa paglapit sa asawa niya. " Ah sige, mamaya pa naman noh? Sige po, Mayor if its all about business.Sige , see you at six this evening bye!" dinig niyang sambit ulit ng kan'yang asawa. " Saan ka pupunta mamaya kasama si Zandro?" tanong niya rito .Mukhang nasira naman ang araw niyang almost perfect na sana. Laglag ang panga ni Lyka nang mapatingin sa gawi niya. " Huh?Are you really asking that questio

