" Dad....nagtimpla ako ng coffee for you...." malambing na sambit ni Lia kay Damon sa umagang iyon. Nasa labas sila ngayon , sa tapat ng swimming pool .Naliligo sina Alas, Dos at Uncle Bry. Siya naman ay nakamasid sa mga anak na nasa isang maliit na kiddie pool at binabanyana ng mga katulong . Naka shades siya, nakakasilaw kasi . Sa tabi ng table niya ay anaka-upo si Damon samantalang ang biyenan niyang babae ay umakyat na muli sa taas ng kwarto pagkatapos nilang mag-almusal. Hanggang ngayon ay malabo pa rin ang mag-asawa. Siguro kailangan lamang talaga nito ng kaunting oras , time will heal kumbaga.Alam naman niyang mabait ang biyenan niya at matatanggap rin nito ang lahat. Kahit siya naman siguro ay hindi basta basta maging masaya na lamang in an instant.Siyempre, inakala ba naman nito

