Chapter 5- Crush ko sya.

1665 Words
Chapter 5- Crush ko sya. "Are you freaking out of your mind Luhan!! AYOKO YOU WOULD NEVER CONVINCE ME MAGIGING LALAKI MUNA SI JEROME BAGO MANGYARE YUN!" andito kami sa music room at nagdadak dak ako. It wasn't right! Ayoko kumanta sa harap ng maraming tao! "Hoy bruha ka wag mo kong isama dyan ha! You should be there after all you are the reason behind this problem, echosera ka kasing babae ka!" away naman sa akin ni Jerome,pero malay ko ba kung alam ko lang na ako ang ituturo e di sana di na ko nangealam kanina! "Anyway where is Neil? The contest is near and as soon as possible we must practice the song."sabi naman ni Calvs na nag strum ng gitara. "Wala daw pambaon ngayon si Toyo kaya hindi pumasok pautangin ko na lang bukas para makapasok pero pare pano to ayaw nitong Airin na 'to na kumanta." sinamaan ako ng tingin ni Luhan samaan ko nga rin ng tingin! Biglang tumayo si Calvs at binababa yung gitara na naistrum nya kanina at unti unti lumapit sa akin at lumuhod para maabot yung height ko kaya pantay na kami ngayon , ba--bat parang nanginginig labi ko. "What happen to your lips? It's shaking?" "Ha-huh? A--annno pasmado labi ko ha--hahaha." "Tsk. Gusto mo halikan ko para mawala yung nginig ng labi mo."napatingin naman ako kay Luhan nagsabi non at nakangising aso na naman! "No,thanks!!" sabi ko naman agad,ay teka napatingin naman ako sa mata ni Calvs. EYMEGED BAT BA ANG CUTE NYA!! BAT GANITO ANG LANDI KO!!! ARGHHH I HATE IT! "Please... maging vocalist ka na namin?"aniya, feeling ko sinasadya nya ako akitin para mapapayag nya ako pero nag wagi sya naakit nya ako!! NAMAN! "Si...ge."tapos ngumiti sya ng malapad. And that reminds me of someone.Someone that I used to know. Tumayo na sya sa kinauupuan nya at saka bumalik sa pwesto nya kanina. Ano ba 'tong nararamdaman ko kay Calvin Cuevas? Bakit sa tuwing nakikita ko sya napapangiti ako hindi ko alam kung bakit. "Hoy Airin ang duga mo ah! Ako kanina pa nangungulit tapos kay Pareng Calvs sumige ka agad!"tukmol ni Luhan. "Bakit ikaw ba si Calvs?"tanong ko naman. "Hindi." "O sya manahimik ka dyan." "Crush mo sya noh!?" bigla naman ako namula sa sinabi ni Luhan bat ba napaka echosero ng Luhan na to pumayag na nga ako eh! "Umalis alis ka sa harap ko baka mapatay kita!" "Sige! Subukan mo hahalikan naman kita!" "Pag ginawa mo yan double dead ka sa akin!" "Di bali na atleast I kiss your lips!" "Tama na nga kayong dalawa mamaya kayo magkatuluyan nyan hahaha mga echoserang froglets!"singit ni Jerome. "Talk to the hand Jerome! HAYYYSS Bat ka pa kasi dumating sa buhay ko arghh!"sabi ko naman. "Kasi it was destiny."-Luhan "Eww destiny mo mukha mo!" "Guys quit it. By tomorrow we would start. Luhan and Jerome practice the chords of 'Just a Kiss' and I would take the drum. "sabi ni Calvs na cool na cool pa rin. "Yes sir!"sabay pa yung dal'wa! Magagawa ko kaya 'to? Kakayanin ba ng braincells ko na makasama ang Goodkissers at isang baklang 'to ARGHHH MY MIND WOULD DEFINITELY EXPLODE!!! *** 1st day ng Practice Location: Sa Junkshop nila Neil "Wow! Ganito pala itsura ng Junk shop!" sabi ko habang umaaligid ang paningin ko sa paligid. "Bakit? Ano ba expectation mo? Na Mall ang junk shop?" singit ni Luhan na nakasuot ng bonet at naka plain tshirt na may taktak na 'GWAPO AKO' lakas talaga ng confident nito! "Kinakausap ka?" "Eh ako kinakakausap ka." "Oy hangang ba naman dito magsasagutan kayo na walang ka kwenta kwenta! Hayy nako let just do the practice!"kinuha na ni Jerome yung gitara nya sa likod at nagstrumming ng kung ano ano. "Di mo ba alam ang basic chords?" tanong Neil kay Jerome. "Hindi eh." Napa facepalm na lang si Neil sa narinig nya."Hayy na ko sige na nga ako na magtuturo!" "Wee ang sweet!! Mag ala my husband's lover tayo ha?"agad naman syang nakakuha ng isang malakas na batok mula kay Neil loko talaga tong si Jerome lakas makahanap ng malisya. Nandito kami sa Junk shop nagprapratice dahil ayaw ng mga taga Chireo High Staffs na doon kami sa music room mag practice kaya eto dito kami tiis tiis sa init. Si Calvs naman eto katabi ko ang tahimik nya masyado di katulad nila Neil at Luhan na madaldal. "Calvs paano yan paano ka tutug wala drums dito?"tanong ko sa kanya. "Don't worry I know how to play it. How about you?" "Ako?" "Ay hindi ako."napalingon naman ako sa likod ko si Luhan lang naman ang nakikisabat! Arggh THE NERVE! "Manahimik ka nga!"sabi ko kay Luhan tapos sabay balik kay Calvs ang tingin. "Ayus lang ako pero sana magawa ko ng tama." "Just believe in yourself and you can do it." sabi nya sa akin na ngumiti ,ngumiti din naman ako ewan ko pero aaminin ko na siguro na crush ko itong si Calvin Garcia. Nagstart na kami mag practice medyo ang gulo nga eh kasi si Jerome at Neil panay ang awayan kasi hindi makuha ng tama ni Jerome yung chords "ARGHHH KUNG HINDI LANG TALAGA KAILANGAN DI KITA PAGTITIISAN!!"napapikit na lang ako sa lakas ng boses ni Neil. Speaking of Neil sya lang pala sa grupo ang mahirap. Ang tanging business lang nila ay itong Junk Shop kaya lang sya nakapasok sa Chireo High ay dahil sa talento nya. Nagagawa nga naman ng talento. Umupo muna ako sa tabi at mukhang matagal pa silang mag aaway dalwa dun eh kawawa naman si Jerome mukhang paiyak na hahaha yan kasi eh! "Tubig oh." napatingala ako at nakita ko si Luhan na inaabot ang tubig nya. "Ayoko nga may laway mo na yan." "Sus arte mo naman naghalikan nga tayo may laway yun eh ito lang tubig na nainuman ko ayaw mo." hala sige iungkat yung nangyare non! Jeezz the term of 'laway' kadiri masyado! "Ang kadiri mo eh!" "Totoo naman arte nito!" "Kahit ba! Di ko ginusto yung halik na un! Manyak mo kasi!" "Tumagal yun ng 2 minutes saka ka pumalag ibig sabihin nagustuhan mo!" "Hindi nga sabi eh!" "STOP IT!" tila napatingin at napa shut up kami sa sumigaw si Calvs yung sumigaw na tinangal na yung salamin sa mata nya. "Puro away inaatupag nyo. Kung ganito man lang tayo mas mabuti pa wag na tayong sumali." bigla syang tumayo sa kinauupuan nya at kinuha yung bag nya at lumabas na. WAHHHH si Calvs nagalit!! Kasama pa ako dun!! "Ay patay nagalit si pare."sabi ni Luhan na nakangiting aso. Binatukan ko nga "Aray! Bat ka naman nnambabatok!" kunot na noong sabi nya. "You deserved it stupid rat!"inirapan ko naman sya at balak ko sanang sundan pero may mainit na palad na dumapo sa braso ko. "Hayaan mo na sya,pag ganyan badtrip yan mas mabuti pang wag mo ng sundan dahil baka hindi mo magustuhan kung anong ginagawa nya.."may seryoso sa mukha ni Luhan habang binabangit ang mga sinabi nya. "Hoy ano naman ibig mong sabihin?"napakamot tuloy ako ng di oras sa sinabi nya. "Tara pagpatuloy na lang natin yung practice ng kahit papaano may magawa tayo. Remember 2 days left na lang at lalaban na tayo. Neil at Jerome basta may unity may magagawa tayo."bangit nya. Oh well mukhang may nasasabi din naman syang matino. "GAMBATTE GOODKISSERS!!"sigaw nya na itinaas ang kanan kamay na kumao. "KAYA NATIN 'TO!" "Yuck may pawis yung kili-kili."sabi ko naman sabay takip sa ilong ko agad naman syang napatingin sa akin. Agad naman nyang binaba yung braso nya"Normal lang to hindi naman ako si superman para di pawisan yung under arm!" "Alam mo parehas kayo ni Superman."sabi ko naman. "Hahaha buti alam mo kasi parehas kaming gwapo!" "Hindi no." "Eh ano?" "Parehas kayong shunga kasi sya nagsusuot ng brief sa labas." "Joke ba yun?" "Hindi." At doon po natatapos ang walang kwenta naming conversation. Nagtawanan lang sila Neil at Jerome sa amin. Ewan ko ba kung ano ano sinasabi ko kapag kaasaran ko 'tong tukmol na 'to pinagpatuloy na lang namin ang pag prapractice. Duet kami ni Luhan at may hawak din syang gitara. Habang nga kumakanta sya eh papikit pikit pa at minsan sumisilay ang mata sa akin na pangit pero iniirapan ko lang sya. "Heroine Airin Valdez,maghanda ka sa biyernes may gagawin ako sa'yo."sabi nya matapos namin kumanta, agad naman akong kinalibutan sa sinabi nya. Ano naman kaya 'yon?! Araw ng contest ngayon at nasa dorm ako ni Gene. Ang tahimik nga eh asan na kaya sya? Sana naman umuwi na sya baka na r**e na kasi sya ng bakla sa kanto eh. Pero bago muna ang lahat pinagpapawisan ako ng tunay dito sa harapan ng salamin ha! First time kong kumanta in public pero natugtug ako sa Paris noon nuong may kakayahan pa ko pero simula nung na aksidente ako nagkaroon nang diperensya ang kamay ko kaya naman tumigil na ko. "Believe in yourself Airin! Nothing is impossible if you believe!"ginawa ko yung ginawa ni Luhan nung nasa Junk shop kami. Tinaas ko yung kanan kong kamay at saka ako ngumiti sa salamin. Tumayo na ko sa kinauupuan ko at lumabas na ng dorm. Nang papalakad na ko sa kanto hindi naman ako sa praning pero parang may sumusunod sa likod ko pero binawala ko ito baka nag assumed lang ako eh. Pero hindi pala. Naramdaman ko na lang na may kung anong naglagay ng panyo sa bibig ko at may nakakahilong amoy akong naramdaman. At unti unti ng dumidilim ang paningin ko. Pagmulat ko este hindi pala ako makamulat dahil may piring ang mga mata ko at may tali pareho ang kamay at paa ko. Letshugas na kamatis! Nakidnapped ako! Pero bakit ngayon pa hindi na lang next time dahil ngayon na ang araw ng contest!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD