"Sir Miggy, wala ba talaga akong gagawin? Ito lang talaga trabaho ko? Ang magbilang ng coins?" saad ni Carly. Tatlong araw na siya sa restaurant, at sa loob ng tatlong araw ganoon ang kanyang ginagawa na parang laging auditor ng coins. "Oo eh, ayaw mo niyan hindi ka napapagod?" tugon ni Miggy. "Ito kasing si sir Premo, tinanggap niya ako dito bilang crew tapos ito magbibilang lang pala ng coins. Paano ako matuto nitong mag serve kong ganito ang trabaho ko?" saad ni Carly. "Cassy, gustuhin ko man na bigyan ka ng trabaho pero, kabilin bilinan ni sir Premo, huwag ka raw pagtrabahuhin at ibigay sa iyo ang pinakamagaan na trabaho iyong hindi ka mapapagod," saad ni Miggy. "Sir.. May itatanong ako, si sir Premo po ba may pamilya na?" Biglang nagka intrisado si Carly kay Premo. "Wala, b

