"Hi," saad ni Zandro at hinagkan pa nito ang pisngi ni Carly pagkapasok sa condo galing sa trabaho. "Ang aga mo umuwi ah. Magluluto pa lang ako, pagod ka ba?" tanong ni Carly kay Zandro. "Oo, kanina. Pero, ngayon wala na dahil nakita ko kayo." Napangiti si Zandro at bahagyang hinaplos nito ang pisngi ni Carly. "Pagpapalit lang ako ng damit at tutulungan kita diyan sa ginagawa mo," saad muli ni Zandro bago ito pumasok sa kwarto. Nagluluto kasi si Carly habang inaayos niya ang kanyang pinamili sa groceries store. "Sana tinawag mo na lang sa akin ito kanina, ako na lang sana ang nag groceries. Ayan tuloy mukhang napagod at nahirapan ka dahil kasama mo ang anak natin kanina, next time tawagan mo ako ha para ako na lang ang mag go-groceries," saad ni Zandro habang inagaw niya ang mga

