"Oh diba daddy ang ganda dito? Kaya thank you ha," saad ni baby Prince habang nakangiti. "Parang nasa Manila Zoo lang din naman tayo eh, pero maganda na rin. Ok na rin," tugon ni Zandro. "Bro, kumusta? Long time no see ha. Mabuti naman napasyal ka dito sa lugar namin," bati ng isa sa mga naging kaibigan ni Zandro sa barko sa sa dati. "Oo nga eh, ok lang ako bro. Salamat sa mainit na pagtanggap ha, mabuti na lang at sakto hindi ka sumampa ng barko, kaya masaya ako na may kaibigan akong kakilala dito," saad ni Zandro. "Oo nga eh, sakto next month pa sampa ko ulit sa barko. Uy, nakakamis kayo ni Ian ha. So, nakita na ninyo ang place na gustong pagdausan ng anak mo sa kanyang birthday party?" tanong muli nito. "Oo bro, ok na ang lahat para sa lugar na iyon naka reserve na para sa sun

