"Umalis ka na Vivian, hinding hindi mo ako makukuha muli sa mga sorry mo. Masaya na ako, masayang masaya na ako sa buhay pamilya ko ngayon," saad ni Zandro kay Carly. "Kahit mag makaawa ako? Babe... Please.. Alam ko naman na malaki ang pagkakamaling nagawa ko sa iyo. At nangangako ako na hindi na iyon mauulit, please.. Give me one more chance na patunayan sa iyo na nag sisi ako, na kahit nagawa kitang lukuhin ikaw pa rin ang mas mahal ko." Lumuhod pa si Vivian sa harap ni Zandro habang nakahawak ito sa kamay nito. "Tumayo ka d'yan. Umuwi ka na, Vivian please.. Ako naman ngayon ang nakikiusap sa iyo, hindi na pwede dahil may anak na ako, may pamilya na ako." Napatayo si Zandro at lumayo kay Vivian. "Hindi mo na ba ako mahal?" Tumayo si Vivian at mangiyak ngiyak itong humarap kay Zandr

