KEANNA “Letecia, Fiancée?” May kung ano’ng sumipa sa aking dibdib. Kung kanina’y puros kaba at nerbyous ang naramdaman ko’y ngayon ay kabaliktaran nito. My heart is cut into pieces, slowly killing me. Pero kailangan ko itong labanan. Ako naman talaga ang naunang nanakit sa amin. Nagkatinginan kami ni Jorge, bahagyang nakabuka ang bibig at tila may nais sabihin. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para mapanindigan ito, at hindi magmukhang kaawa awa. I wrap my arm around Jorge and gently squeeze him. “I told you…” natigilan ako sa pagsasalita sa matang ginawad sa akin ni Letecia. Maganda siya, kumikinang ang balat niya lalo pa at tinatamaan ng mga ilaw. Mahaba ang buhok niya at elegante kong ngumiti. “I've been hearing so much about you…” She paused for a while and smirked. "Don't get

